Chapter 38

92 2 3
                                    

CHAPTER 38 : TYRA's POINT OF VIEW ★

P'wede bang magpahinga muna saglit?

P'wede bang takasan sandali ang mundo?

Para na akong sasabog. Bakit ba nangyayari 'to?

Akala ko kapag nakauwi na kami dito sa lugar nila Mama ay magiging okay na ang lahat, hindi pala, mas lumala lang.

Nagkamali ba ako ng desisyon? Dapat ba nanatili na lang kami ni Gwy sa Buenavista?

"Ang lalim yata ng iniisip mo, ayos ka lang?"

"Ayos lang po Tita."

"Sigurado ka ba? Wala ka bang nararamdaman? P'wede na nating yayaing umuwi ang Tito mo para mas makapagpahinga ka sa bahay."

Bumalik lahat sa alaala ko ang mga nabasa ko sa libro ni Mama tungkol kay Tito Drammy at Tita Alpa.

"Hindi po, hintayin na lang po natin siyang matapos bago tayo umuwi." Sagot ko. Ilang dekada na ang lumipas, nagbago na nga kaya talaga sila? What if pakitang-tao pa rin lahat ng ito?

"Nakita ko kayong nag-uusap ni Ely kanina, masyadong seryoso. Bakit mo naman siya iniwan doon?"

"Hindi ko po siya iniwan, tapos na kami mag-usap. May tinanong lang po ako sa kanya tungkol sa kwintas ko noong nakuha niya ito noon." Pipiliin ko na kung sino ang pagsasabihan ko, pakiramdam ko kasi'y may tinatago silang lahat sa akin. "Tita, sa duyan na lang po muna ako, tawagin na lang po ninyo ako kapag uuwi na tayo."

"Lunch na, hindi ka ba kakain? Kumain ka muna para makainom ka ng gamot."

"Mamaya na lang po, wala pa akong gana 'tsaka busog pa po ako nung sopas."

Sinubukan kong umidlip habang nakahiga sa duyan pero sobrang dami talagang pumapasok sa isip ko.

Apat na taon na ang lumipas simula noong nakidnap ako, at halos walong araw din ako sa lugar na 'yon. Noong huling araw, hindi ko na matandaan kung ano ba'ng araw 'yon, madaling araw at ginising ako nung lalake, weird dahil palagi akong naka-piring, hindi ko p'wedeng tanggalin dahil babarilin ako, para akong ginawang hayop kaya hanggang ngayon ay nanggigigil pa rin ako.

Paano nila nagagawa 'yon sa kapuwa nila tao? Tao pa ba sila?

Wala akong gaanong maalala kung paano ako nakatakas noon. Ang naaalala ko lang ay hila-hila ako nung lalake sa kamay pababa ng hagdan at noong malapit na kami sa pinto ay may pumukpok sa ulo ko, nawalan ako ng malay. Nang magising ako ay nasa isang bangka na ako at malapit na ako sa isla, malapit na sa bahay namin sa Buenavista.

Kailangan kong bumalik sa Buenavista, baka alam ng kapit-bahay namin kung sino ang kumuha kay Erra pero ang inaalala ko ay ang tatay-tatayan namin, kayang-kaya niyang pumatay ng tao lalo na't dati siyang hitman.

Hindi kaya siya 'yong palaging sumusunod sa akin kahit saan ako nagpunta?

Napabangon ako sa duyan. Nilibot ko ng tingin ang buong Farm, wala namang kahina-hinala, kilala ko naman ang lahat ng tao dito.

"Hi Sissy, okay ka na? Ano'ng ginagawa mo dito? Hindi ka ba nasasawa sa duyan na 'to? Ano ba'ng mayro'n sa lugar na 'to?" 

Tiningnan ko lang si Gwy, basang-basa ang damit niya. Saan galing 'tong babaeng 'to? "This is my safe place here sa Farm. Saan ka ba galing? Kumain ka na para mainom mo na 'yong gamot mo, makakalimutan mo na naman 'yon."

"Ang ingay mo naman." Bulong niya, napansin kong nasa hulihan niya pala si Joepette.

"Nag-date kayo sa ilog?"

"Anong date? Hindi ko ipagpapalit ang Ely ko 'no! Sinamahan niya lang ako sa ilog, naligo kami both 'tsaka picture-picture, ang galing niyang photographer, promise."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now