Chapter 50

114 1 0
                                    

CHAPTER 50 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Wala akong kasalanan, bakit mo ba tinatanong ang tungkol sa kanya ha? Ilang taon na ang lumipas, nangako tayo sa isa't-isa na hindi na natin siya pag-uusapan kahit kailan, so ano 'to Sissy?"

Hindi ako nakasagot agad, hindi ko naman p'wedeng sabihin sa kanya na magkasama kami ni Ely kanina, baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.

"Naalala ko lang na palagi mo akong kinuk'wento sa kanya, best friend pa nga ang turingan ninyo at pati 'yong nangyari sa akin noon sa kabilang isla, sinabi mo sa kanya."

"And? Hanggang ngayon ba nagtatampo ka dahil kami 'yong palaging magkasamang gumimik at gumala kung saan-saan noon? Sissy-"

"Hindi gano'n Gwy, may mas malalim akong dahilan. What if, what if siya 'yong kumuha ng anak ko? What if siya 'yong nagtago ng anak ko? Naalala mo ba nung bago siya mamatay, may sinabi siya hindi ba?" Tanong ko, bumangon siya at naupo din sa sahig, sa tabi ko.

"Yeah, may sinabi siya, weird nga e. Sabi niya tuluyan na raw niyang kukunin ang pagkatao mo, ano'ng ibig niyang sabihin dun?"

Ngayon alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Sabi nga ni Ely, nagpanggap daw si Olivia na ako. Bakit? Ano'ng rason niya?

Hayy, ang dami daming nangyayari at hindi ko na talaga alam kung ano ang uunahin ko.

"What are you thinking? Sa tingin mo ba inutusan siya ni Nay Shielo? What if si Nay Shielo ang nag-utos na itago 'yong bata sa iyo? Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit gusto kang patayin ni Olivia?"

"H-Hahanao tayo ng rason kung bakit niya ako papatayin that time."

"Bakit pa?" Biglang nagtaas ng boses si Gwy, "Para saan pa? Buhay ka naman, patay na nga siya eh! Namatay na siya, huwag na natin siyang pag-aksayahan ng oras."

Pasensya na Gwy, ginagawa ko naman 'to para sa iyo, pasensya ka na kung hindi ko masabi ang totoong rason ni Olivia kung bakit niya ako gustong patayin noon.

Hindi ako sure pero pakiramdam ko inutusan talaga siya ni Nay Shielo. Nagpanggap si Olivia na ako, siguro napamahal na siya Kay Ely kaya ginusto niya akong patayin para habang buhay na niyang maangkin ang pagkatao ko.

Natatandaan ko noon, galing kami ni Gwy sa Doctor tapos pag-uwi namin sa bahay ay nadatnan namin si Olivia sa kuwarto namin, umiiyak at hawak-hawak ang baril ng Tatay niya, tinutukan niya ako agad, sa mismong noo, s'yempre natakot ako, wala siyang ibang sinabi kun'di dapat na akong mawala para tuluyan na niyang makuha ang pagkatao ko.

Inagaw ni Gwy yung baril, nag-agawan silang dalawa at aksidenteng nakalabit ni Gwy ang gatilyo ng baril. Akala ko nga si Gwy ang nabaril kasi siya 'yong naunang natumba, 'yon pala natakot siya at sumikip ang dibdib niya.

"Hayaan mo na 'yo Sissy, huwag mo na isipin, wala naman tayong kasalanan dun, self defense yun. Sana lang talaga huwag niya akong multuhin. Pag-usapan na lang natin 'yong tungkol sa pagmo-model mo, sa isang araw na raw 'yon ah, kwentuhan na lang muna tayo, nawala na ang antok ko e." Sabi ni Gwy at tumayo, kumuha siya ng potato chips sa isang paper na nakalagay sa likod ng pinto.

"Kuha lang ako ng tubig." Sabi ko at iniwan ang phone ko sa tabi niya.

Pabalik na ako sa kuwarto ng makasalubong ko si Tito Drammy.

"Nandito ka na pala."

"O-Opo Tito, kanina pa po."

"Ahh, akala ko sa Farm ka matutulog, sabi ni Joepette nandoon ka raw kanina."

Tumingin ako ng deretso Kay Tito. "Opo, doon po sana kaso nakalimutan ko pong painumin ng gamot si Gwy at saka 'yong pasalubong kong hopia kay Eya naiwan ko po dito eh nangako akong bibigyan ko siya ng pasalubong pagpunta ko, hindi na lang po ako nagpakita."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now