Chapter 59

131 2 3
                                    

CHAPTER 59 : KALEY's POINT OF VIEW ★

I'm still blaming myself, kasalanan ko yata talaga lahat 'to. May alam ako eh, marami akong sign pero binalewala ko lahat 'yon dahil gusto ng tahimik na buhay, pero mas lalo yatang naging komplikado.

"– ...Na may cancer siya, m-malala na."

Napalunok ako, biglang nanlamig ang katawan ko dahil sa sinabi ni Daddy.

Kaya pala palagi akong nananaginip na may usok tapos hindi ako makahinga, tuwing parang lalamunin ako ng usok ay nagigising ako. Iyon pala 'yon.

"Kaley, okay ka lang?" Tumango ako at hindi nagpahalata, "Inom lang po ako saglit ng tubig." Paalam ko, tapos na siguro naman silang mag-usap.

Humihinge na ulit ng pasensya si Tito Drammy, babawi daw siya at nagpapatawaran na.

Ininom ko ang isang puno sa basong tubig. Pabalik na sana ako sa sala ng biglang mag-ring ang cellphone ko.

Unknown number?

Napabuntong hininga ako bago ko sinagot. "H-Hello?"

"Kaley.."

"TY–"

"Psshhhh!! Huwag kang maingay."

"Oh my God! Thank you Lord, buhay ka! Si Gwy?" Bulong ko at dumeretso sa banyo para hindi ako marinig sa labas, "Nasaan kayo?"

"Magkita na lang, send ko sa iyo ang address. Huwag mo munang sasabihin kahit kanino na tumawag ako ha."

"Oo, oo! Kailan tayo magkikita? Nandito kami ngayon kila Tito Drammy, pinag-uusapan lahat ng nangyari para makapag-ayos na."

"Mabuti. Okay na ba sila? Hindi na ba sila nag-aaway away?"

"Hindi na, okay na, magka-ayos na. Sige na, tatawagan na lang kita ulit, baka hinahanap na nila ako. See you later, bye."

Paglabas ko ng banyo ay nakasalubong ko si Mommy.  "Anak, nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap."

"Ah, k-kanina pa po ba kayo d'yan?"

"Ngayon lang, hinahanap lang kita kasi uuwi na tayo."

Napahinga ako ng maluwag. "O-Okay po, let's go home. Mommy, may lakad nga din po pala ako mamayang hapon, pupuntahan ko si Tiarra sa bago niyang apartment." Pagsisinungaling ko.

I'm sorry Mom.

"Hinihintay na tayo ng Daddy mo, halika na." Sumunod na lang ako kay Mommy palabas.

"Babalik na lang kami kapag hindi masyadong busy." Paalam ni Mommy kila Tito Drammy at hinalikan pa si Clarry sa pisnge.

"Kaley.." Tawag ni Tito sa akin, niyakap niya ako. "Kapag may nalaman ka tungkol sa mga pinsan mo, sabihin mo agad sa akin ha, gusto ko silang makausap."

Tumango ako. "Sasabihin ko po agad sa inyo. Sana lang po kapag nakita natin sila ay hindi pa huli ang lahat. Sa lakas ng pagsabog– Ahm, I hope okay lang sila pareho." Ngumiti na lang ako.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay dumeretso ako agad sa kuwarto ko. Inilagay ko sa isang maliit na bag lahat ng gamit na binili ko para hindi Gwy.

“Sa library, 'yong malapit sa tindahan ng mga school supplies, papunta na ako doon.” Text ni Tyra, nagpalit lang ako ng damit at lumabas na agad ng kuwarto.

"Anak, saan ka na pupunta?"

"‘D-Di po ba magkikita kami Tiarra."

"Ha? Akala ko ba ay mamayang hapon pa?"

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon