Chapter 1

298 7 1
                                    

CHAPTER 1 : AUTHOR's POINT OF VIEW ★

"Teka lang Miss, nagbibiro ka ba?" Tanong ni Lyra at agad na umiling si Gee Tyra.

"Ang tagal kong hinintay ang oras na 'to, ang makilala kayo at makita ng harapan." Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Gee Tyra.

"Hindi mo kami maloloko, nagpagawa ka ng mukha 'no? Idol siguro ng Mama mo si Tita Arah, baka ipinaglihi ka niya sa picture ni Tita, medyo hawig nga kayo." Natatawa sambit ni Pia

"B-Bakit ayaw niyong maniwala sa akin? Totoo ang sinasabi ko, anak ako ni Gyte Arah at Clefford Gee, nasaan si Tita Alpa? Ang alam ko e alam niya ang tungkol dito."

Nagkatinginan ang magkakapatid na Musico.

"Kilala mo si Tita Alpa? Wala siya dito, she's busy." Sambit ni Kaley at titig na titig sa mga mata ni Gee Tyra.

"Kung pinagti-tripan mo lang kami, nagsasayang ka lang ng oras Miss, makakaalis ka na." Sabi ni Lyra

"Oo nga, mukhang marami kang alam tungkol sa pamilya namin, nag-imbestiga ka siguro, you can go now." Sabi ni Kaye

"Dad, what? Wala kayong gagawin? Naniniwala kayo sa babaeng 'to? Grabi, ayoko ng maulit ang magulong buhay natin two years ago."

"Calm down Kaley, don't be rude." Saway ni Lyra

"Kilala mo ba si Sheilo?" (Cello) Nagtatakang tanong ni Drammy

"Opo, siya ang nanay ko."

"What? Nanay mo? Kakasabi ko lang na si Tita Arah ang Mama mo then ngayon e that Sheilo naman? Nagsisinungaling ka."

"Kaley.."

"I'm sorry Dad." Nakatungo nitong sambit kay Vash

"Ang mabuti pa'y magsindi na muna tayo ng kandila at kumain nitong mga dala nating pagkain, mamaya na tayo mag-usap tungkol dito kay–" Napalingon si Kerby sa babae.

"Gee Tyra po, Tito."

"Sa kanya." Turo ni Kerby kay Tyra 

Nakatungo lang si Tyra habang nagsisindi ng kandila ang mga Musico.

"H-Hi Papa, hindi manlang kita nakilala, sobrang mahal mo si Mama 'no? Sinundan mo siya agad d'yan, kaya nga niya ginawa ang bagay na 'yon e para may kasama ka kapag nawala siya, pero . . . pero sinundan mo siya agad."

Napalingon ang magpi-pinsan kay Tyra. "Maybe she's . . . telling the truth?"

"Ayaw niyo ba nun, may dagdag sa mga Musico, may plus one ulit sa ating magpipinsan." Nakangiting sambit ni Kaye

"Oo nga, may bago akong mapagku-kwentuhan about sa crush ko, apat na kayo." Nakangiting sambit ni Kaley at pasimpleng sumulyap kay Vash na nakatingin sa kanya. "Crush lang 'yon Dad, it's normal."

"Wala naman akong sinabi anak, napatingin lang ako, it's normal anak, lalo na't hindi ka na bata."

Nagtawanan ang mga pinsan niya kaya't napakunot noo si Kaley.

"Bakit sila tumatawa Ate?"

"Hindi mo na-gets?" Tanong ni Lyra

"Hey, alam mo ba kung bakit sila tumatawa?" Tanong ni Kaley sa nakatungong si Tyra.

"Ang sabi kasi ni Tito Vash ay normal lang ang magka-crush lalo na't hindi ka na bata, ibig sabihin e tumatanda ka na."

Napasimangot si Kaley. "Pasmado bibig mo, nagtatanong lang naman ako eh." 

"She's right, HAHAHAHA!" Nag apir pa si Kaye at Pia.

"Hmm, parang may napanaginipan ako kagabi, hindi na raw magkaka-boyfriend yung dalawa d'yan."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now