Chapter 32

99 0 0
                                    

CHAPTER 32 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Imposible naman yata 'yang iniisip mo, patay na ang tatay niya 'di ba?"

"Oo nga Joe pero wala namang nakakita ng mga bangkay nila 'di ba? Yun talaga ang kutob ko eh, pero sa atin na lang muna 'to, mangako ka."

Tinaas niya ulit ang kanang kamay niya. "Promise. Sanggang-dikit tayo dito Miss Tyra. Safe sa akin lahat ng tinatago mo."

"Ano'ng lahat? Ito lang naman ang tinatago natin saka 'yong tungkol sa pagtulong natin kay Mang Jun."

"Talaga ba? Wala na bang iba?" Natatawa niyang tanong, tiningnan ko lang siya kaya napatakip na lang siya ng kamay sa bibig.

"Umuwi ka na, asikasuhin mo na 'yong kapatid ko doon at baka hindi kita matantsa."

"Goods tayo dito Miss Tyra . Angas nga natin kanina eh, alam mo ba na nakunan daw ni Ambo ng video 'yong pagtalon nila Liwanag sa bakod kanina, sobrang angas lalo na kapag naka-slow mo."

"Teka, sino ba si Ambo?"

"Yung pinsan ko na anak ni Tiya, ilang araw pa lang siya dito, kinuha ni Sir Drammy para mag-alaga ng mga kambing. Ipapanood ko mamaya sa iyo 'yong video, uuwi na muna ako, gutom na ako Miss Tyra, ikaw? Hindi ka pa ba kakain?"

"Maya-maya, susunod na lang ako sa iyo." Sabi ko at bumalik na sa pagkakahiga sa duyan."

Si Mang Jun nga kaya ang Tatay nila Ely? Alam kong ang sabi nila ay patay na pero. . . pakiramdam ko talaga ay maraming alam si Mang Jun, marami siyang tinatago.

Napabalikwas ako ng biglang mag-vibrate ang cellphone sa bulsa ko. "Tito? Hello po, nakauwi na po ba kayo?"

"Kakarating ko lang sa bahay, kumain na ba kayo? Ang kapatid mo?" 

May nagsumbong kaya kay Tito na inilabas namin 'yong mga kabayo?

"Tyra, nand'yan ka pa ba?"

"Po? Opo, opo! Kumain na po si Gwy, nandoon po siya kila Aleng Letty at papunta pa lang po ako ngayon doon."

"Oh s'ya sige. Nga pala Tyra, kapag hindi ako nakapunta d'yan ng maaga ay ilabas mo si Pega, may race 'yan sa isang linggo kaya kailangang batak ang katawan."

"O-Opo Tito, sige po." Bukas ko na lang sasabihin kay Tito, hindi naman siguro siya magagalit.

"Hoy, ano'ng trip mo? Feeling Boss ka talaga e. Gusto mo ba talagang dalhan ka pa ni Joepette ng pagkain dito ha Tyra?"

"Ano'ng sinasabi mo? Kausap ko pa si Tito kaya hindi pa ako pumupunta doon, tinatawagan ka raw niya kanina pa pero hindi mo manlang sinasagot."

"Naka-silent eh, baka kasi magising si Ely."

"Tsk. Bumalik ka na kila Aleng Letty, rereplyan ko lang si Kaley."

"Hindi pa ako inaantok eh, babalik na lang muna ako kila Ely."

"Eh akala ko ba nagpapahinga, natutulog, so ano pa'ng gagawin mo dun?" Tanong ko at inilagay na ang cellphone sa bulsa.

"Makikipag-kwentuhan kay Aleng Adela at sa kapatid niya."

"Huwag nga ako. Kailan ka pa natutong makipagkuwentuhan ha? Ang trip mo lang e  makipagtitigan d'yan sa cellphone mo."

Iniwan ko s'ya sa may duyan.

"Wait, it's so dilim here!" Tumakbo siya sa hulihan ko pero mas binilisan ko pa ng paglalakad. 

"Maupo ka na iha."

"Salamat po."

"Pinadadalhan na nga kita kay Joe ng pagkain doon pero ang sabi niya'y tatawagin ka na lang daw niya."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon