Chapter 55

161 2 0
                                    

CHAPTER 55 : SOMEONE's POINT OF VIEW ★

"Bababa na ba tayo ng bundok, Darling?" Tanong ni Shielo kay Rumel, inabutan niya ito ng alak.

"Bakit? Ayaw mo na ba dito sa palasyo natin? Presko, pagmamay-ari pa natin ang buong kagubatan."

Inubos ni Shielo ang alak na nasa baso. "Hindi naman sa gano'n Darling. Maganda nga dito eh, malaya tayo. Ang gusto ko lang naman ay bumaba ng bundok para makita ang pasabog mo, para makitang sumabog ang bahay ng mga Musico." Nakangiting sambit ni Shielo at hinalikan si Rumel.

"Kung gano'n, tara na."

"Ngayon na?" Tanong ni Shielo at napaayos ng upo.

"Oo, bukas na ang birthday nung Clarry 'di ba?"

"Oo. Naku, excited na ako!"

Tiningnan siya ni Rumel, kakaibang tingin. "Excited ka ba talagang makita 'yong regalo kong pasabog sa mga Musico o gusto mong makita 'yong kambal mong an–"

"Hindi ko anak ang mga 'yon Darling, ako nga lang ang nagbuntis 'di ba? Hay naku. Si Olivia lang ang anak ko." Tumayo si Shielo, "Maghahanda lang ako ng dadalhin natin."

Tahimik na nagtungo si Shielo sa maliit nilang kuwarto.

TYRA's POINT OF VIEW ★

"Hindi ka ba talaga kakain? Ilang araw ka ng hindi bumabangon d'yan sa higaan Sissy, what's your plan? Balak mo bang magpakamatay sa gutom ha?"

Hindi ako sumagot, tinalikuran ko siya at ipinikit ulit ang mata ko.

"Maligo ka nga, iba na 'yang amoy mo. At saka birthday na ni Clarry bukas, busy na sila sa labas, parating na rin sila Tito Vash at sila Lola Rose. Ang Musico at Calves fam, papunta na silang lahat dito."

"Wala ako sa mood, pagod na ako. Ikaw na lang muna ang bahalang tumulong sa kanila."

"Pagod ka na e wala ka namang ginagawa. Ano ba'ng nangyayari sa iyo ha?"

"Huwag kang magpapagod. Mamaya pagdating nila ay umalis ka muna, bumili ka ng gamot mo." Sabi ko at bumangon na, inalis ko lang ng cover ng kama, kumot at punda ng unan, nilagay ko sa labahan.

"Ano'ng sabi nila tungkol doon sa contest?"

"Ahmm," Kunot-noo siyang tumingin sa akin, "I already told you last night, ang sabi mo pa nga e, “Sabi ko na nga ba e ”, don't tell me hindi mo naaalala. Ako 'yong nakakalimot dito Sissy, not you."

Pilit kong inalala ang nangyari kagabi, 'yong mga sinabi niya pero wala, wala akong maalala.

Ang naaalala ko lang ay 'yong sinabi ni Gwy sa akin noong galing siya sa Farm na magpapakasal na raw sila ni Ely, pumayag na raw si Ely.

Nagpanggap na naman ba siyang ako kaya pumayag si Ely?

Baka nga 'yon ang dahilan kung bakit wala akong gana  ng ilang araw, parang gusto ko na lang matulog palagi.

Minsan hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Minsan tinataboy ko si Ely kay Gwy pero madalas gusto ko siyang angkinin.

"You won. Nanalo kayo pero like you said, itinakbo nila 'yong money. Grabi, mukha naman silang mayayaman but– sa tingin mo ba may kinalaman si Tito Drammy dito?"

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Tanong ko habang kumukuha ng towel.

"What if hindi naman talaga nila itinakbo yung money? What if binigay nila kay Tito tapos hindi naman binigay ni Tito sa iyo 'yong parte mo? Pansin ko kasi na kapag about sa money, mabilis si Tito." 

Pero sinabi ko kay Tito na para sa operasyon ni Gwy 'yon, hindi niya manlang ba naisip ang kalagayan ng pamangkin niya?

"Hayaan mo na 'yon, Diyos na ang bahala. Bumili ka kaya muna ng gamot mo habang wala pa sila, maliligo lang ako tapos tutulong na ako sa baba."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon