Chapter 08

153 1 0
                                    

CHAPTER 08 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Sabihin mo na sa amin kung nasaan ang Tatay mo, Quinto."

"Hindi ko nga alam kung nasaan siya, kahit patayin niyo pa ako ngayon hindi ako aamin dahil wala akong dapat amin, paano ko naman malalaman kung nasaan siya e magkaiba kami ng kulungan." Sagot ni Mike kay Tito Drammy.

"Ibalik niyo na siya sa kulungan Tito, tama naman siya e, hindi niya malalaman kung nasaan si Rumel, magkalayo ang kulungan nila."

"Kapag ibinalik natin siya sa kulungan Tyra, tatakas lang ulit 'yan at baka nga itakas pa ng Tatay niya, mabuti na 'yong nandito siya para kung sakaling may gawin si Rumel ay may alas tayo, nasa atin ang anak niya."

"Mukhang wala naman po tayong mapapala sa lalakeng 'to Tito, umuwi na po tayo." Yaya ni Gwy

"Mabuti pa nga, doon na lang natin ituloy ang hapunan. Ibalik niyo na 'yan sa kulungan niya, bigyan niyo ng sapat na pagkain at tubig, h'wag hahayaang makatakas." Utos ni Tito Drammy

"Ikamusta niyo na lang ako kay Lyra, BWAHAHAHAH!"

"Tara na, malayo-layo pa ang byahe natin, kumain na lang ulit tayo pagdating sa bahay." Sabi ni Tito at ipinagbukas kami ng pinto. 

"Hindi ako nabusog, nakatitig lang ako kay Mike, wala siyang alam pero ako alam ko kung nasaan si Rumel."

"Sigurado ka ba Gwy? Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ni Tito

"Magtiwala na lang po kayo sa kanya Tito." Sabi ko

"Pagtingin nga ng likod mo."

"Kulay pula pa rin ba?"

"Oo, ipa-check up mo na kaya, baka allergies 'yan."

"Ayoko, natatakot ako."

"Ano ka ba Tyra, check up lang naman."

"Ayoko nga, normal lang siguro 'to atsaka ang dami ko pang gagawin, hahanapin ko pa ang kwintas ko."

Saan kaya ako mag-uumpisang maghanap? "Gwy, titigan mo nga ako ng matagal."

"Ginawa ko na 'yon, hindi ko makita, malayo."

"Malayo ba talaga o ayaw lang gumana sa akin?"

"H'wag ka nga maingay, baka marinig ka. Nakalimutan mo na bang nasa kotse pa rin tayo?"

"Ikaw kaya nagsimula d'yan, tulog naman si Tito Drammy e."

"Eh si Tito Chordie?"

"Wala siyang alam dun." Bulong ko, sa daan naman naka-focus si Tito Chordie at saka mahina naman ang mga boses namin. 

"Tyra, hindi ba tayo normal?"

"Normal tayo, may espesyal na kakayahan lang." Sagot ko at nag-iwas ng tingin. Hindi ko rin alam kung bakit kami ganito, ipinanganak kaming may kakaibang kakayahan ngunit mayro'n ding mga kahinaan.

"Gwy, Tyra, gising na, nandito na tayo sa bahay."

"Kuya Drammy, ginabi na kayo ah, saan kayo galing?" 

"May pinuntahan lang kami nitong kambal." Sagot ni Tito kay Tita Rainne.

"Chordie, pasok ka muna at maghapunan."

"Hindi na Kuya, hinihintay na rin ako ni Melody. Text mo na lang ulit ako sa susunod."

"Sige sige, salamat."

"Ingat po pauwi Tito."

"Halina kayo sa loob, may binili akong mga gamit para sa inyong dalawa, may dala rin akong prutas, nakakain na na kayo ng lychee?"

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now