Chapter 06

154 1 0
                                    

CHAPTER 06 : SOMEONE's POINT OF VIEW ★

"Gwy, Gwy ano ba?!" Paulit-ulit na niyugyog ni Tyra si Gwy sa balikat.

"HAHAHAHAHA! H'wag kang kabahan, nagbibiro lang ako."

Nakasimangot na pinulot ni Tyra ang nahulog na sandok.

"Look at you, BWAHAHAHAH!" Tawang-tawa si Gwy pero nanatiling nakasimangot si Tyra, ilang saglit pa ay pinitik niya si Gwy sa noo.

"Hindi nakakatawa at lalong hindi nakakatuwa, h'wag mo na uulitin 'yon." Bumalik na sa kusina si Tyra pero rinig pa rin niya ang pagtawa ng kakambal.

Napahawak sa dibdib si Tyra, hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang kabog ng dibdib niya.

"Tyra."

Nabitawan niya ulit ang sandok na hawak niya. "Tito! Nagulat naman po ako sa inyo. Luto na po ito, kakain na po ba?"

"Sigurado ka bang ayos lang ang kapatid mo?" Tanong ng Tito niya at nilingon si Gwy na nakatitig na naman sa picture frame.

"Ayos lang po 'yan, ganyan na po talaga siya."

"Eh bakit kanina narinig ko na tumatawa siya tapos ngayon pagpasok ko ng bahay ay seryoso ang mukha niya." 

"H'wag niyo na po siyang pansinin Tito, pinagtitripan niya lang po ako kanina, masanay na po kayo d'yan kay Gwy, may saltik po talaga 'yan minsan." Sabi ko habang naglalagay ng mga plato.

"Tatawagin ko na ang Tita Alpa niyo."

Lumapit si Gwy kay Tyra.

"Tyra, samahan mo ako sa Mall mamaya, pasyal tayo."

Hindi niya pinansin ang kakambal niya, nagpatuloy lang ito sa paghahanda ng pagkain.

"Sorry na Tyra, uwu."

"Kapag inulit mo pa 'yon, pababalikin kita ng Buenavista, pwede ba Gwy, grow up."

"Sorry na nga. Pero, pa'no kung totoo na pala 'yon?"

Masamang tingin ang ipinukol ni Tyra sa kakambal niya. "Halika dito at pipitikin ko 'yang noo mo." Lumapit naman si Gwy at inilapit pa ang noo sa kakambal niya pero imbes na pitikin ni Tyra ay kiniliti niya ito.

"Tama na, HAHAHAHA! Aray, HAHAHAHA!"

Napatigil ang dalawa ng makita nilang nakatayo na sa harapan nila ang mag-asawa.

"Sorry po." Sabay na sambit ng dalawa. 

"Ayos lang 'yon, nakakamiss nga 'yong ganyang ingay at kulit dito sa bahay, si Kaley at Tiarra lang ang nangungulit kapag nagpupunta sila dito sa bahay."

"Hayaan niyo po Tito, araw-araw ko po kayong kukulitin."

Nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Gwy.

"Mabuti naman at may makakatulong na ako sa pag-aalaga kay Clarry."

"Ako po ba Tita Alpa? H'wag po kayong mag-alala, tuturuan ko pong magtaray ang anak niyo, hehe."

"Ako Tita, tuturuan ko ng magandang asal 'yang si Clarry." Sabi ni Tyra

"Hay naku, umepal ka na naman, ako ang tutulong kay Tita Alpa dito sa bahay 'no, sa labas ka, magtatrabaho, iitim, good luck sa balat mo."

"Bawal ka kasi talagang lumabas, baka umulan tapos mabasa ka, baka katakutan ka ng mga tao so much better na dito ka na lang, ako na lang ang tutulong kay Tito sa Mango Farm." Nakangiting sambit ni Tyra na may halong pang-aasar.

"Farmer.." Bulong ni Gwy

"Baby sitter." Bulong din ni Tyra

"Kumain na kayo, baka kung sa'n pa mapunta 'yan." Sabi ni Drammy sa dalawa.

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now