"Ang Kapitbahay Ko"

240K 2.7K 453
                                    

-----------------------------

.

.

.

Ako nga pala si Gab Lastimosa. 19yrs.old bunso sa tatlong magkakapatid. May sariling pamilya na ang kuya at ate ko. nakabukod na din sila ng bahay. Ako nalang ang kasa-kasama ni Mama. Isa nga pala akong GAY. pero walang nakakaalam nun bukod sa bff kong si shae. hindi ito alam ng pamilya ko. natatakot kasi ako sa magiging reaksyon nila pag nalaman nila.

.

.

Pero hindi ako katulad nung ibang gay. tahimik ako, hindi din ako sanay nung mga gay lingo. Hindi din ako nag memake-up, hindi ko naman kasi pinapangarap maging babae. naging gay ako kasi na-aatract ako sa kapwa ko lalake. pero GAY para mag damit babae, o mag-asta na parang babae hindi noh...

.

.

Hindi din ako pala kaibigan. si shae lang talaga ang kaibigan ko. siya lang ang kinakausap ko sa school namin. sabi nga nila isnob daw ako. Pwes wala silang pakialam... eto ako eh, pake ba nila. hindi importante sa akin ang opinyon nila.

.

.

bagong lipat kami dito sa bulacan. dito kasi nakatira yung bpyfriend ng mama ko. napagpasyahan na nilang magsama kaya napunta kami dito. ok lang naman sa akin yun basta masaya si mama. mahal na mahal ko kasi ang mama ko. kahit minsan nagkakatampuhan kami, sobrang mahal ko yun at mahalaga sa akin na maging masaya siya. 10yrs.old lang ako nung mamatay ang papa ko.

Unang beses palang na nagka-bf ang mama ko. at mukhang mabait naman to. 1 taon na din silang may relasyon kaya napagpasyahan na nilang magsama.

.

.

Kaya nandito ako ngayon sa isang bagong lugar. haharapin ko ang bagong buhay kasama ang mama ko, at ang magiging stepfather ko.

.

.

Pero hindi ko akalain na sa lugar na to. makikilala ko ang kauna-unahang taong magpapatibok ng puso ko. At siya ang 'KAPITBAHAY KO'

.

.

.

itutuloy...

.

.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon