Chapter-20: "Mga Alaala"

63.8K 1.1K 274
                                    

------------------------------------------

***GAB'S POV***

.

.

.

"Ano wala na si darren?"

"oo gab, wala na siya... halos isang buwan na mula nung umalis siya papuntang london..."

.

.

.

takte!!! akala ko kung ano na nangyari na kay darren. akala ko nawala na siya as in 'namatay na' pero umalis siya? umalis siya papuntang london?

"kailan pa? " tanong ko

"mag iisang buwan na. hindi pala siya nagpaalam sayo?"

"hihindi eh... hindi ko nga alam na aalis pala siya.."

nakaramdam ako ng pagka-lungkot. bukod sa umalis na siya at hindi ko alam kung magkikita pa kami. malungkot ako kasi hindi manlang siya nagpaalam sa akin. wala na talaga siyang pakialam sa akin. hindi na niya talaga ako itinuturing na kaibigan.

hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha ko

"oh gab, ayos ka lang ba? bat umiiyak ka.?"

"wawala, nalungkot lang ako na hindi manlang ako nakapagpaalam kay darren bago siya umalis.."

sabi ko sakanya sabay punas ko ng luha ko...

"biglaan nga ang pag-alis niya eh. ayaw namang sabihin kung ano ang dahilan ng pag-alis niya."

hindi nalang ako nagsalita. naisip ko kung ano nga kaya ang dahilan ng pag-alis niya? dahil kaya kay cez?

naputol ang pag-iisip ko ng muling magsalita si lito

"wala akong alam kung ano talaga ang tunay na nangyari sainyo ni darren. kung bakit bigla nalang kayong lumayo sa isa't isa. napansin na namin ni memeng yan pero hindi nalang kami nag tanong dahil ayaw naming makialam."

yumuko nalang ako at hindi nagsalita

"basta kung may gusto kang sabihin, ikwento. andito lang ako, kami ni memeng. sabihin mo sa amin kung kailan ka na handa."

sabi sa akin ni lito na may kasamang ngiti

binigyan ko lang siya ng isang pilit na ngiti at tumango.

"gab may gagawin ka ba bukas?"

"wala naman, bakit?"

"daanan kita dito sainyo bukas, puntahan natin si lola luring."

naisip ko na wala naman akong gagawin at miss ko na din si lola luring

"ok sige, matagal ko na rin hindi nakikita si lola."

"ayos, siguradong matutuwa yun! sige mauna na ako, magpahinga ka na rin. siguradong pagod ka na. sunduin nalang kita bukas."

"ok sige. ingat ka sa pag-uwi."

umalis na si lito. malungkot padin ako dahil sa nalaman ko. masakit sa akin na umalis siya na hindi manlang nagsabi sa akin.

pumasok na ako ng bahay na nanlulumo. papunta na ako sa kwarto, ng maka-salubong ko si tito henry.

"oh dumating ka na pala gab!"

"kadadating ko lang po, si mama po ba dumating na?"

"oo kanina pa, tulog na nga eh. kumain ka na ba? gusto mo ipag-init kita ng pagkain?"

"wag na po, kumain na pa ako. sige po matulog na po kayo. magpapahinga na rin po ako."

"hmm... gab may problema ka ba? para kasing malungkot ang mukha mo."

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon