Chapter-48: "Masaya"

29.7K 607 75
                                    

-----------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------------

Nagulat si Gab, na si Ken pala yun.

"Ken? A-anong ginagawa mo dito??"

"May bibilin sana ako dyan sa tindahan ni Mang Henry, kaso sarado pa pala. Bakit ka nandito sa labas?"

"Naiwan ko kasi sa opisina yung susi ng bahay. Wala sina Mama, kaya hindi ako makapasok."

"Gusto mo dun ka muna sa bahay?" Tanong sakanya ni Ken

Napatingin siya kay Ken. May bigla siyang naalala sakanya. Parang ganito lang yung nung una sila nagkakilala ni Darren. Nakatambay siya sa tindahan at inaya siya sa bahay nila.

"Hi-hindi na. Parating na rin sila Mama." Sabay yuko ni Gab

"Ganun ba? Sige samahan muna kita dito."

Sabay sandal ni Ken sa bintana ng tindahan habang nakatayo. Nasa kaliwa naman niya si Gab, habang nakaupo.

"Hindi mo na kailangan samahan pa ako dito." Si Gab

"Eh bakit ba? Gusto ko eh." Sabi naman ni Ken

Hindi nalang kumibo si Gab at binaling nalang sa paglalaro sa cellphone ang atensyon.

"Ano yang nilalaro mo?" Si Ken

Napatingin naman sakanya si Gab.

"Bakit ba?" Si Gab. "Bakit ang sunget mo?" Si Ken

"Pake mo ba..." Medyo naiinis na si Gab, sa kakulitan ni Ken.

Bigla namang inagaw ni Ken ang cellphone ni Gab.

Napatayo naman sa pagkaka-upo si Gab para agawin to.

"Hoy! Ano ba! Akin na nga yan!!" Iritang sabi ni Gab

Tinaas naman ni Ken ang kamay na may hawak ng cellphone.

"Kuhanin mo sunget haha!" Si Ken

"Badtrip ka ah! Amin na nga!!" Paghablot ni Gab, ay napalapit siya ng husto kay Ken. Bigla silang nagkatitigan. Napaka lapit ng mukha nila sa isa't isa.

"Cute mas cute ka pala sa mas malapitan Sunget"

Naka-ngiting sabi ni Ken. Hindi naman napigilang mamula ng mukha ni Gab. Pagka-hablot niya ng cellphone niya ay umupo ulit siya at yumuko.

"Haha! Nakakatuwa ang mukha mo. Ang pula-pula!" Si Ken

Mas lalo naman nakaramdam ng hiya si Gab.

"Hindi no! Umalis ka na nga! Binubwisit mo lang ako!" Si Gab

"Ayoko nga!" Sabi naman ni Ken. Hindi nalang nagsalita si Gab, at hinayaan nalang ang binata. Kesa makipag asaran pa siya dito.

"Ma, dumating na kayo please..." Sabi niya sa isip

"Sunget, may joke ako." Biglang sabi ni Ken.

Hindi naman yun pinansin ni Gab.

"San nag ta-trabaho ang mga isda???" Hinintay talaga ni Ken na sumagot siya pero hindi niya talaga pinansin, at tinuloy lang niya ang pag-lalaro ng candy crush.

"Eh di sa OfFISH!!" Si Ken

Napahinto si Gab. Aminin niya. Gusto niyang matawa pero pinigil niya ang sarili.

"Nakakatawa no? Meron pang isa. Anong paboritong subject ng mga isda?" Katulad nung una ay hindi pa din siya pinansin ni Gab.

"Eh di FISHycal Education! Hahaha!" Sabay tawa ni Ken sa sariling joke. Maya-maya ay hindi na napigil pa ni Gab at natawa na siya. Halakhak kung halakhak.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon