Chapter-7

73.7K 1.3K 113
                                    

---------------------------------------

Dumating na na kami sa bahay. dumiretso agad ako sa kwarto ko. Pinag-iisipan ko kung pupunta pa ba ako kila darren. Parang hindi ko ata kayang makita silang mag kasama. marinig na sabihin ni darren na sila na ulit nung cez na yun.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Nagtext si darren.

Darren: Tol, naka-uwi na ba kayo? gusto mo sunduin na kita dyan? Textback...

Muli akong napa-isip. Siguro nga dapat pumunta ako. Kailangan harapin ko to. Paano kung hindi naman talaga sila nagka-balikan, paano kung dumalaw lang yung cez..

Yan ang mga tumatakbo sa isipan ko.

Tama, pupunta ako. kailangan makilala ko ang cez na yun. Kailangan maka-harap ko ang kontrabida sa pagmamahalan namin ni darren ( Charaught ! )

nilagay ko sa cabinet yung tshirt na pang reregalo kokay darren. Umalis na ako ng bahay para pumunta kila darren.

Nasa harapan na ako ng gate nila. Huminga muna ako ng malalim tska ako pumasok.

Nagulat ako nung buksan ko ang gate nila, dahil nasa bungad nito si darren...

Darren: oh tol, andito ka na pala... susunduin sana kita sainyo eh. Sabay ngiti. Tara na tol....

Hinawakan niya ang braso ko at hinila papunta sa terrace nila. Dun naka pwesto ang inuman.

Andun sila memeng, lito at may isang lalaki na ngayon ko lang nakita. Pinsan pala ni lito yun, caloy ang pangalan.

Caloy nga pala pare... sabay abot ng kamay niya sa akin.

Gab, pare... Inabot ko ang kamay niya para makipag kamay...

Napansin ko na pala napasimangot si darren. Ewan, baka assumerang palaka lang ako.

At pinakilala na nga sa akin ni darren si cez... Maputi siya, makinis ang balat. at bukod sa lahat, maganda siya.

Sa mga oras na yun, naisip kong game over na. wala akong kalaban-laban sakanya :(

nakipag-kamay din siya sa akin.

Umupo na ako katabi si memeng, nasa gawing kaliwa ko siya. Sa unang pagkakataon, ngayon lang kami nag-inuman na hindi ko katabi si darren.

Naupo siya sa tabi ni cez. Nasa harapan ko sila. Kitang-kita ko kung paano sila nagtatawanan sa mga kwento nila sa isa't isa. Kung paano pumupulupot ang kamay ni cez sa braso ni darren.

Napaka sakit. parang dinudurog ang puso ko. Tama ang naiisip ko kanina. Hindi ko kayang makita silang magkasama at masaya sa isa't isa. Gusto ko na umiyak pero pilit kong pinigilan. Dinaan ko sa inom ang sakit na nararamdaman ko.

Pero hindi ko kinaya ang sumunod na nangyari.. Hinalikan ni cez sa pisngi si darren. Tumayo ako at nag paalam na iihi lang. Dali-dali kong nilisan ang lugar na yun. Pumunta ako sa c.r. at doon ako umiyak. Dun ko pinakawalan ang mga luhang matagal ng gustong kumawala sa aking mga mata...

Medyo matagal na ako sa banyo. Hindi ako lalabas hanggang gusto pang umiyak ng mga mata ko. Pero nagulat ako ng biglang dumating si darren..

Darren: Tol, umiiyak ka ba? May problema ka ba?

Gab: ahhh wa-wala tol... napuwing lang ako. Bakit ka nandito? Bumalik ka na doon. baka hinahanap ka na nila, lalo na si cez..

Darren: pinuntahan kita dito kasi ang tagal mo eh. Napansin kong hindi naman naka-lock yung pinto kaya pumasok na ako. Tol, kung may problema ka, andito lang ako para makinig sayo... Sabay hawak sa balikat ko.

Gab: wala talaga to tol. sige na bumalik ka na dun. Susunod na ako. Pramiz...

Darren: sige, babalik na ako dun. sumunod ka na tol...

Tumango lang ako.

Naghillamos muna ako. Medyo halata nga sa mga mata ko na umiyak ako. Inayos ko na ang sarili ko at huminga ng malalim.. Lumabas na ako ng banyo para bumalik sa inuman...

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon