Chapter-12

72.3K 1.3K 225
                                    

Darren's POV

.

.

.

inagahan ko talaga gising para sa ihahanda kong sorpresa kay tol, gusto ko kasi maka-bawi sakanya, feeling ko may tampo siya sa akin, hindi ko lang alam kung bakit.

Nagpunta ako sa palengke para bilin ang mga sangkap sa mga pagkaing lulutuin ko para kay tol

ang sorpresa ko sakanya ay maghahanda ako ng masarap na lunch para sa amin, dun kami pupupwesto sa likod bahay namin...

ayos to, mahilig kumain yung tol kong yun eh,

.

.

.

Nagpatulong ako kay lola para sa pagluluto,

naging busy kami ni lola kasi madami ang niluluto namin.. mga bandang 11:30 ng kami'y matapos. inayos ko na ang lamesa sa likod bahay, at nilagay ko na dun ang mga pagkain.

Tinakpan ko muna kasi susunduin ko pa si gab sa bahay nila

kinuha ko sa kwarto ang cp ko at nakita ko ang text ni gab

"GOOD MORNING TOL !! :)"

actually, ako ang gumagawa nun sakanya, araw-araw ko siya tinetext ng good morning, pero nakalimutan ko kanina, dala na din ng pagaka-excite ko sa gagawin kong sorpresa sakanya, nakalimutan ko siyang itext.

pumunta na ako kila gab, dumaan muna ako sa tindahan ni mang henry

.

.

"magandang tanghali po, mang henry, pupuntahan ko lang po sana si gab"

"magandang tanghali din darren, naku umalis si gab ah, hindi mo ba alam?"

.

.

.

.

nagulat ako sa narinig ko, umalis si gab?

.

.

.

"umalis ho? sino ho, ang kasama?" tanong ko

"yung si caloy! yung pinsan ni llito, yung kabarkada niyo."

.

.

.

si Lito?? kasama niya si lito? eh, kahapon niya lang nakilala yun ahh... sabi ko sa isip ko

"ahh ganun po ba, nasabi ho ba kung saan sila pupunta?"

biglang dumating ang mama ni gab

.

.

.

"uy, darren si gab ba hinahanap mo? umalis pupunta daw sa mall kasama yung caloy ba yun?"

.

.

nanlumo ako sa narinig ko,

paano na ang sorpresa ko kay gab, tska bakit kasama niya yung caloy na yun! close na ba sila nun?

.

.

.

Tumambay muna ako sa tindahan ni mang henry, para intayin siya, baka naman kasi dumating agad sila, sinubukan kong tawagan si gab, kaso naka-patay ata ang phone niya

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon