Chapter-53: "One More Chance?"

38.7K 775 164
                                    

-----------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------------

2ND TO THE LAST CHAPTER :) :(

-----------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------------

-PAGKALIPAS NG 2 TAON

"Anong gusto mong gift para sa christmas?"

"Hmmm... Pwede ba ikaw nalang? Uwi ka nalang dito?"

"Hay, kung pwede lang kaso alam mo namang busy ako sa trabaho ko. Tingnan mo nga, minsan nalang tayo makapag-skype."

"Hehe... Alam ko naman. Joke lang naman yun!"

"Kung tinanggap mo nalang kasi yung alok ko na pumunta ka nalang dito sa US, di sana magkasama na tayo."

Sabi ni Tintin kay Gab.

"Pinaliwanag ko na yan diba? Alam mong hindi ko kayang malayo kay Mama. Baka mabaliw lang ako diyan."

Paliwanag naman ni Gab.

"Naku! Si Tita lang ba talaga ang dahilan? Baka naman may ibang tao ka lang na hindi mo kayang iwanan at malayo sakanya.?"

Naka-ngising sabi ni Tintin.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan!?" Si Gab

"Naku Gab! Wag ka na mag deny! Naikwento sa akin ni Tita na super duper close kayo nung Ken ba yun? Siya daw ang palagi mong kasama ngayon."

Hindi naman mapigilang mamula ni Gab sa sinabi ni Tintin.

"Ulul! Kaibigan ko lang yun noh! Eto namang si Mama, kung ano-ano ang pinagkukwento sayo."

"Naku! Naku! Naku! Eh bakit namumula ka? Ah!!?"

Tinakpan naman ni Gab ng dalawang kamay niya ang pisngi.

"Mestizo kasi ako, kaya madali akong mamula!"

Depensa ni Gab.

"Reasons!! Eh, ano naman kung may maganap sainyo? Sa pagkaka-alam ko single naman si Ken at ikaw din naman. Yun nga lang kung iisa parin ang laman ng puso mo ngayon?"

Hindi naman nakasagot si Gab. Bigla niyang naalala ang dating nobyong si Darren. Dalawang taon na ang nakalipas ng umalis ito para sa London na tumira. Mula noon ay wala na siyang naging balita dito.

Pinili na rin niyang wag na makibalita dahil sa tingin niya mabuti na rin yun. Para hindi na siya umasang babalik pa ito. Umasa na babalik pa ito para sakanya. Tska hindi din naman siya kinokontak nito para kamustahin. Kaya naisip niya na siguro masaya na si Darren doon. Masaya na siguro si Darren na hindi na siya na parte ng buhay nito.

Pero aminado siya na mahal parin niya ito. Walang araw na hindi niya naiisip ang dating nobyo. Pero malaki ang naitulong na nandyan si Ken para sakanya. Nakaya niyang lamapasan ang matinding lungkot sa pagkawala ng dating nobyo dahil nandyan si Ken sa tabi niya.

"Oh, natahimik ka!? Tama ako noh!? Si Darren James Madrigal padin ang mahal mo noh? Noh? Noh?" Si Tintin

"Hindi ko naman tinatanggi ah. Mahal ko padin siya. Pero ayoko ng umasa na babalik pa siya. Tska masaya nanaman ako kahit wala siya dito."

Paliwanag ni Gab.

"Masaya daw!!!??? Ok. Sabi mo eh." Si Tintin

Maya-maya ay biglang nag-ring ang cellphone ni Gab. Nagtext sakanya si Ken.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon