Chapter-14

74.2K 1.5K 350
                                    

------------------------------

5 araw na ang naka-lipas mula nung nabasa ko ang text ni Cez kay Darren. 5 araw na ang nakalipas mula nung mabasa ko ang text niya na naglalaman ng "I LOVE YOU, BABE!" simula nun, nag desisyon na ako na lalayo na ako kay darren.

Kailangan ko ng gawin to. sawa na akong paulit-uilt na nasasaktan. ako naman ang may kasalan nito eh, minahal ko si darren na higit pa sa pagiging kaibigan, pero ano magagawa ko, puso ko ang pumili sakanya,alam ng diyos na pinilit kong pigilan pero wala eh, malakas talaga tama nitong puso ko kay darren

sa loob ng 5 araw na yun, minsan tinawagan ako ni darren, tinanong niya ako kung bakit hindi ako nagpupunta sakanila. sinabi ko lang na may inaasikaso akong importante, pagsisinungaling ko.

haayyy,,, hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko sakanya sa susunod. bahala na si sailormoon, basta kailangan gawin ko na to, para sa akin din to, para sa ikakaayos ng lahat, kailangan tuluyan ko na kalimutan si darren.

andito ako ngayon sa kwarto naka-kulong, naka-tunganga, wala sa mood. 5 araw palang na hindi ko nakikita si darren, nakakaramdam na agad ako ng matinding lungkot, hinahanap-hanap ko siya (lakas maka daniel padilla)

Tinawagan ko nga si shae para ayain siyang gumala para makapaglibang naman ako, kaso wrong timing, may sakit naman siya..

Kaya napag-desisyon kong ako nalang mag-isa ang gagala, tutal dati naman sanay ako na gumagala kahit mag-isa lang eh, kailangan kong gumawa ng paraan para malibang ako.

maya-maya pa ay nag-ring ang cp ko

"RIIIIIIINNNNNNGGGGGGG!!!!!!"

tiningnan ko kung sino ang tumatawag, si caloy pala!

Sinagot ko agad

"hello pare, musta?"

"ok lang, ikaw musta?"

"ok lang din naman ako, bakit ka nga pala napatawag?"

"pare, gala tayo! diba sabi mo sana maulit yung nakaraang hang-out natin?"

napangiti naman ako dun. sakto, may makakasama na ako! hehe

"o sige ba pre, wala naman akong gagawin, naka-tunganga lang ako dito sa bahay.."

"ayos! sige sunduin nalang kita dyan ulet.."

"ge ge, text nalang kita pre.."

ibinaba ko na ang phone para makapaghanda na, masaya ako kasi akala ko mag-isa lang ako gagala, akalain mo yun parang pinadala ng langit si caloy para samahan ako. Hehe

binuksan ko ang closet ko para kumuha ng susuotin ko, ng mapansin ko ang tshirt na ibibigay ko kay darren para sa bday niya. nawala nanaman ang ngiti sa labi ko, nakaramdam nanaman ako ng lungkot. hindi lang sana itong tshirt na to ang gift ko sakanya sa bday niya, balak ko sanang bigyan siya ng isang surprise party. pero hindi ko na kailangan gawin yun, andyan naman si cez para gawin yun sakanya, at alam kong mas magiging masaya siya kung si cez ang gagawa nun sakanya.

Hayyy, tama na nga ang drama, move-on na gab!

.

Ibinalik ko na ang tshirt sa loob ng closet at kinuha ko na ang susuotin ako.

.

.

.

Sakto paglabas ko ng kwarto narinig ko na ang busina ng motor niya kaya dumiretso na ako palabas ng bahay.

"Pre! " sabi ko sakanya

"Tara na!" sabi ni caloy

nakasakay na ako sa motor niya ng bigla niyang hinawakan ang magkabila kong kamay at inilagay sa tagiliran niya. nagulat ako sa ginawa niyang yun.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon