Chapter-16

75.3K 1.4K 212
                                    

------------------------------

.

.

.

Eto na ang CHAPTER 16! Ginanahan akong magsulat kaya nag update ako agad.. sana patuloy kayong mag-comment at vote na din! :)

.

.

.

------------------------------

GAB'S POV:

.

.

.

Habang nakatakip ng unan ang mukha ko, naramdaman kong may nagbukas ng pinto ko.

maya-maya pa ay may humablot ng unan na naka-takip sa mukha ko.

"Gab! bumangon ka na nga dyan, kaninang umaga hindi ka na nag-almusal, tangahalian na, bumangon ka na dyan at kumain!"

Si mama pala...

"wala po akong ganang kumain, masama po pakiramdam ko.."

hinawakan ni mama ang noo ko tapos ang pisngi ko

"oh, hindi ka naman mainit ah, wala ka naman lagnat baby ko."

ewww baby talaga? si mama talaga oh..

"basta ma, masama talaga pakiramdam ko.."

"naku naku, naglalambing ata ang baby ko, buti nalang hindi pumasok ang mama. sige hintayin mo ako, pagpapasok nalang kita ng pagkain. susubuan na din kita.."

haaayyy, umandar nanaman ang kakulitan ni mama. hindi nalang ako tumutol at baka kulitin pa ako ng todo. tska alam ko naman na sa huli, siya padin ang masusunod.

Maya-maya pa ay dumating na si mama na may dalang tray ng pagkain.

"baby ko, umupo ka na, eto na ang pagkain mo."

"ma, wag mo na akong tawaging baby! 19 na ako.. hindi na ako sanggol.." sabi ko kay mama

"naku, hayaan mo na nga ako baby ko, minsan lang ako maglambing sayo eh.."

sabi ni mama sabay halik sa noo ko

"haayy naku ang mama ko talaga.."

"MAGANDA!" sabay sabi ni mama

natawa nalang kaming 2 ni mama.

buti nalang andito si mama. pinangiti niya ako, pinagaan niya ang pakiramdam ko.

napaisip ako, kaya kong maging masaya at maging kumpleto basta andyan ang mama ko. hindi ko kailangan ng kahit na sino. basta andyan ang mama ko, magiging masaya ako :)

At kinain ko na ang dinalang pagkain ni mama. nung una gusto talaga ang subuan, pero hindi ako pumayag noh. masaya kong kinain ang luto ni mama, mapagmamalaki kong masarap magluto ang mama ko.

.

.

.

.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ng kwarto si mama. at eto naka-tunganga nanaman ako, naka-upo sa kama nakapatong ang magkabila kong braso sa tuhod ko, habang kadantay ang mukha ko sa braso.

Naisip ko nanaman si darren.

"ano kaya ginagawa niya ngayon? iniisip kaya niya yung nangyari kagabi? nandidiri na ba siya sa akin?"

Mga bagay na pumpasok sa isip ko.

"ano ka ba gab! tigilan mo na nga ang kakaisip sakanya! mag move-on ka na! diba alam mo naman na pwedeng ganito ang kahinatnan ng lahat ng ito pag nalaman na ni darren ang totoo?"

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon