Chapter-51: "Gabby at Renren"

32.3K 714 151
                                    

-----------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------------

"Kamusta ka na Gab?" Naka-ngiting tanong ni Memeng

"Ayos lang. Ikaw ang kamusta?"

"Oks lang. Masaya naman." Si Memeng

"Tara dun tayo sa terrace para makapag-usap tayo." Si Gab

Pumasok ang dalawa kila Gab at umupo doon sa terrace.

"Oo nga pala. Kailan ka pa dumating?" tanong ni Gab

"Kanina lang." Si Memeng

"Ah, ganun ba."

"Hm, Gab, pumunta nga pala ako dito para gawin yung dapat na ginawa ko noon pa. Gusto kong personal na humingi ng tawad sa nagawa ko sainyo ni Darren, lalo na sa nagawa ko sayo."

Nakayukong sabi ni Memeng.

Hinawakan ni Gab ang kamay ni Memeng.

"Ano ka ba. Ang tagal na nun. Halos dalawang taon na yun. Nakalimutan ko na yun at matagal na din kitang napatawad. Kahit sandali palang kitang nakikilala. Alam kong mabait na tao ka naman eh. Tska Pinagsisihan mo nanaman yung nagawa mo noon kaya wala na sa akin yun."

Naka-ngiting sabi ni Gab.

"Salamat Gab ah! Napaka bait mo talaga." Si Memeng

"Hindi naman oy! Ayoko pang kunin ni Lord!"

Natawa nalang silang dalawa.

"Oo nga pala, nagkita na kayo ni Lito?" Tanong ni Gab.

"Oo, siya nga ang una kong pinuntahan eh. Nalaman ko din sakanya yung nangyari sainyo ni Darren."

Nawala naman ang ngiti ni Gab at napayuko nalang.

"Alam mo, saludo ako sayo. Kasi kaya mong mag sakripisyo para sa taong mahal mo. Hindi lahat kayang gawin yun."

Tumingin si Gab sakanya.

"Dahil sa ginawa kong yun nagalit sa akin si Darren. Mali ang ginawa ko. Dapat ipinaglaban ko siya at hindi ko basta-basta isinuko siya. Kaya hindi mo ako dapat saluduhan."

Paliwanag ni Gab.

"Pero ginawa mo lang naman yun dahil yun ang inakala mong makakabuti para kay Darren." Si Memeng

"Yun ang akala ko. Akala ko lang pala. Sabi nga nila marami ang namamatay sa maling akala. Siguro ako na ang patunay nun."

"Ulul! Hindi ka naman namatay no!" Si Memeng

"Mali ka. Namatay ako. Namatay ang puso ko dahil sa pag aakala ko. Tuluyang nawala sa akin ang pinaka mamahal ko. At ngayon, galit na galit siya sa akin."

Napatulo na luha ni Gab.

"Ano ba yan! Iyakin ko talaga." Sabay punas ng luha

"Hehe... Hindi na ata mababago yun eh. Iyakin ka na talaga."

Biro naman ni Memeng. Nangiti lang si Gab.

"Sa ngayon lang galit yun. Kilala ko si Darren. Mahal na mahal ka nun. Hindi ka matitis nun. Minsan nga lang medyo makitid ang utak nun. Pero alam ko. Mahal ka nun at mapapatawad ka nun."

Napangiti si Gab.

"Tama na nga ang drama. Oy Gab, punta ka bukas ng gabi sa resto ni Insang Caloy. May reunion tayong barkada tska parang despidida na rin ni Darren."

Masayang sabi ni Memeng.

Biglang naalala ni Gab na sasanunod na araw na pala ang alis nila Darren patungo sa ibang bansa.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon