Chapter-41: "First Anniversary"

46.1K 791 179
                                    

Hellooo.... Salamat sa patuloy napagsuporta dito sa story ko. Grabe, Chapter41 na. Hindi ko akalaing hahaba ito ng ganito. Hehe :)

Marami na ang nagbago sa buhay nina Gab at Darren. Isang taon na ang nakalipas. O siya, tama na satsat ko. Basahin niyo na :)

-----------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------------

GAB'S POV:

"Lito nasaan na ba tayo? Ano nanaman ba itong trip niyo?"

"Basta. Chillax ka lang. Ako bahala sayo."

Sa bahay palang sinuotan na ako ng piring sa mata nitong si Lito. Hindi ko nga alam kung saan kami sumakay eh. May surprise daw para sa akin si Renren.

Huminto ako sa paglalakad

"Teka nga Lito, umamin ka nga. Nasaan na ba talaga tayo? Talaga bang si Renren ang may pakana nito? Umamin ka. May gusto ka din ba sa akin? Baka mamaya kung saan mo ako dalin ah!" biro ko sakanya

Binatukan naman ako

"Siraulo! Hindi kita type no! Napag-utusan lang ako ng boyfriend mo ok? Sumusunod lang ako. Kaya ikaw, wag kang basag trip at lumakad ka nalang! Dali." -si Lito

"Joke lang! Eto naman hindi mabiro. Alam ko naman kung sino ang gusto mo! Hahaha!"

"Daldal mo! Hala, lakad na dali!" utos sa akin ni Lito

Naramdaman kong may inakyat kaming hagdan pero mababa lang. Mga 4 na baitang lang. Ilang lakad lang ay huminto na kami.

"Nandito na tayo. Dito ka lang ah? Wag mong tatanggalin ang piring mo, habang wala kang naririnig na kakaibang tunog."

sabi sa akin ni Lito

"Langya naman Lito, nasaan na ba talaga tayo? Natatakot na ako ah! Baka kung ano tong trip niyo ni Renren!" totoo, natatakot na ako. Baka pinagti-tripan lang ako ng mga to kagaya nung nakaraan. Natulog ako kila Renren, nagising ako na may manok na buhay sa tabi ko. Sumigaw at umiyak talaga ako dahil takot talaga ako sa manok (T_T) tapos pumasok sila ni Lito sa kwarto at pinagtawanan lang nila ako.

"Haha! Easy ka lang! Walang buhay na manok dito. Tiwala lang Gab, tiwala lang." sabi naman ni Lito

"Eh ano yung kakaibang tunog na hihintayin ko?"

"Basta! Sige iwan na kita dito. Dyan ka lang."

Pagkasabi niya nun ay narinig kong naglakad na siya paalis. Nanatili lang akong nakatayo kung saan niya ako iniwan. Maya-maya ay may narinig ako. Yun na kaya yung kakaibang tunog? Parang kumakanta? Parang choir?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Langit ang buhay sa tuwing ika'y hahagkan

Anong ligaya sa tuwing ika'y mamasdan Sa piling mo ang gabi'y tila araw

Ikaw ang pangarap

Ikaw lamang.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tinanggal ko ang piring sa mata ko at nakita kong nasa simbahan pala ako. At nahandito ako sa dulo ng altar. At nakita kong nag-iintay sa kabilang dulo nito ang lalaking nagbago sa buhay ko. Ang taong mahal ko. Si Renren.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ikaw ang pangakong taglay ng isang bituin

Tanging pangarap sa Diyos ay hiling Makapiling sa bawat sandali

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon