Chapter-33: "KISSpirin at YAKAPsule"

48.1K 789 144
                                    

DARREN'S POV:

-----------------------------------------------------------------------

"Ramdam ko na mahal mo talaga ang anak ko. Nakikita ko kung paano mo siya pahalagahan, alagaan, at bilang isang Ina, napaka sarap sa pakiramdam, ang malamang may isang tao kayang tanggapin at mahalin ang kanyang anak kung ano pa man siya."

Mga salitang sinabi sa akin ni Mama Claire na hindi ko makalimutan. Tuwing maalala ko ay hindi ko maiwasang mapangiti at kiligin. Napaka-saya ko na tanggap na tanggap kami ng Mama ni Gabby.

Nawala na ang lahat ng takot sa puso ko. Sa wakas masasabi kong ganap na ang kaligayahan namin ni Gabby, dahil malaya na kami, at tanggap na kami ng pinaka importanteng tao sa buhay niya.

Matagal na raw nararamdaman ni Mama Claire na may kakaiba sa samahan namin ni Gabby, na higit pa sa pagiging magkaibigan o magkapatid.

Kahit ang pagiging-gay ni Gabby ay matagal na rin daw alam ni Mama Claire. Hindi dahil halata ang pagiging gay ni Gabby, kundi naramdaman daw niya iyon, dahil siya ang Ina ni Gabby.

Hindi maiwasang mag-iyakan ng mag-ina. Masayang masaya ako para kay Gabby, dahil ito ang bumabagabag sakanya noon palang. Kung matatanggap siya ng Mama niya.

At siyempre, sobrang saya namin na hindi tumutol si Mama Claire sa relasyon namin. Wala daw siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng iba tao, basta mahalaga ay ang ikakasiya ni Gabby.

Sinabi din sa amin ni Mama Claire, na siguradong matatanggap naman kami ng Kuya at Ate ni Gabby. Mababait naman daw ang mga iyon, at siguradong maiintindihan nila kami. At kung hindi daw, si Mama Claire mismo ang pipilit sakanila na intindihan kami.

Napaka suwerte ni Gabby sa Mama niya, dahil mahal na mahal siya nito. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam nang pagka-inggit dahil yan ang matagal ko nang gustong maranasan. Ang mahalin ng sariling Ina.

Pero wala na akong pakialam kung hindi ko maranasan yun. Basta ang mahalaga ay andyan si Gabby na alam kong mahal na mahal ako, at lagi siyang nandyan para sa akin. Sobrang masaya na ako nun.

"Ayos! Tapos na akong magbati ng itlog!" sabi ko sarili ko.

(Wag green minded! Gumagawa kasi kami ni Lola ng leche flan. Ang paborito kong leche flan!)

.

"Lola, May pagagawa ka pa ba?" Sigaw ko kay Lola.

"Bakit ka sumisigaw?! Hindi pa naman ako bingi!"

"Sorry naman Lola..."

"Wala na akong pagagawa. Ayos na to."

Nangiti ako dun. Pwede na ako umalis.

"Pupunta mo na po ako kila Gabby."

"O sige, puntahan mo na ang asawa mo! Gumalang ka sa mga biyanan mo ah!"

Napakamot nalang ako ng batok. Alam na rin ni Lola na legal na kami kay Mama Claire. Hay, napaka-saya ko lang kasi malaya na kami ni Gabby.

"Teka, dalan mo nitong niluto kong biko si Gab. Paborito niya yan eh." -Si Lola

"Sige po Lola.."

"Dinagdagan ko yan para sa biyanan mo." hirit pa ni Lola.

Si Lola talaga ayaw akong tigilan ng panunukso.

Pagkakuha ko nung biko ay umalis na ako para pumunta kila Gabby ko.

"Mang Henry, andyan po ba si Gabby?"

"Oo, nasa kwarto, hindi lumalabas. Kahit kaninang agahan hindi lumabas para kumain."

Bigla naman akong nag-alala... Ano kaya nangyari dun?

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon