Chapter-49: "Cristine"

30.6K 678 106
                                    

-----------------------------------------------------------------------

Nakaka-sad talaga kasi super duper lapit na ng ending :(

Pero excited na din ako para sa 2nd story na isusulat ko. Yung (Ano Ba Talaga Tayo) sa ngayon sinisimulan ko na magsulat para doon :)

Dedicated ang Chapter na to para kay @NickyMaldito Belated Happy Birthday! :)

-----------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------------

Nag-leave na sa trabaho si Gab, dahil ngayong linggo na ang kasal ng Mama niya at Tito Henry niya. Para makatulong na rin siya sa pag-aasikaso nito.

Nandito sila ngayon sa airport para sunduin si Tintin.

Habang nag-iintay. Ay hindi mawala sa isip niya yung sinabi sakanya ni Ken kahapon.

Linggo noon at wala siyang pasok. Inaya siya ni Ken sa bahay nito para doon kumain ng lunch. Naka-upo sila noon sa sofa habang nanonood ng tv, nang mabanggit sakanya ni Ken na pinuntahan siya ni Darren, para ipagbilin siya dito.

-----------------------------------------------------------------------

FLASHBACK

-----------------------------------------------------------------------

"Oo nga pala sunget, pinuntahan ako nung ex mo kahapon."

Nagulat naman si Gab sa sinabi ni Ken. Napatingin siya dito.

"Si-sinong EX?" Nauutal na tanong ni Gab.

"Sino pa ba? Eh di si Darren! Nagulat nga ako nung pumunta dito sa bahay yun eh."

"Babakit siya nagpunta? Ano ginawa niya dito?" Si Gab

"Ibinilin ka niya sa akin." Si Ken

Parang na estatwa si Gab sa narinig.

"Sabi niya sa akin. Bantayan daw kita. Kung pwede daw lahat ng pupuntahan mo samahan kita. Sana din daw pasiyahin kita hanggang sa makakaya ko. Wag daw sana kitang papaiyakin. Pero iyakin ka daw eh. Pero sana daw wag kitang papaiyakin dahil nasaktan kita."

Hindi alam ni Gab kung ano ang mararamdaman sa mga nalaman.

"Tinanong ko nga sakanya bakit ako? Kasi kaya daw kitang pasiyahin. Kaya daw kitang patawanin kagaya ng nagagawa niya dati sayo. Kaya sana daw sa pag-alis niya papuntang london ay araw-araw daw kitang pasayahin."

Pagpapatuloy ni Ken.

"Magiging yaya mo pala ako kung ganun sunget? Baka maubusan ako ng fish jokes niyan." Natatawang sabi ni Ken.

Hindi napansin ni Gab na tumulo na pala ang luha niya.

"Sabi nga niya sa akin wag kong sabihin sayo ang bilin niya. Kaso parang dapat kong sabihin sayo."

Pinunasan ni Gab ang mga luha sa mata

"Alam mo. Mahal na mahal ka ng EX mo. Kahit na hiwalay na kayo, ang kapakanan mo parin ang iniisip niya. Mahalaga padin sakanya na kailangan nasa ayos ka, na magiging masaya ka."

Seryosong sabi ni Caloy.

-----------------------------------------------------------------------

END OF FLASHBACK

-----------------------------------------------------------------------

Nakaramdam ng pagka-gulity si Gab. Parang nakokoksensya siya sa nagawa kay Darren. Sa kabila ng nagawa niyang pananakit dito ay ang ikabubuti parin niya ang iniisip nito.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon