Chapter-32: "Ang Regalo"

55.9K 869 201
                                    

BABALA: nasa chapter na to yung bed scene :p eto ang una't huli kong gagawin to sa istorya na to.

Dedicated ang chapter na to kay @nheysz kung gusto niyong magpa-dedicate, kung gusto niyo lang naman, ay ipm niyo lang ako ;)

O siya, eto na ang Chapter32 "Ang Regalo." Enjoy! :D

-----------------------------------------------------------------------

"Darren..." sabi ni Gab habang patuloy sa pagapatak ang luha niya. Nanatili padin siya sa labas ng bahay nila Darren at hindi parin tumitigil ang pagbuhos ng ulan.

Maya-maya ay bumukas ang gate nila Darren.

"Gabby?!" bakas sa boses ni Darren ang pagaka-gulat at pag-alala nung makita niya ang basang-basang si Gab.

Napatingin naman si Gab dito.

"Ano ba nangyari sayo? Bakit ka nagpapa-ulan?"

Agad pinayungan ni Darren si Gab at itinayo niya ito mula sa pagkaka-upo sa lupa.

"Nandito ka na pala di ka manlang nagtext. Ano ba pumasok sa isip mo at nagpa-ulan ka? Paano kung magka-sakit ka?"

Sabi ni darren na may halong pagka-inis sa ginawang pagpapa-ulan ni Gab.

Imbes na sumagot, ay niyakap lang ni Gab si Darren.

"Happy Birthdy Renren ko. Sorry kung late ang Gabby mo ah?" sabi ni Gab.

Napangiti naman si Darren, at biglang nawala ang tampo na nararamdaman niya kay Gab. Niyakap din niya ito gamit ang kanang kamay, habang hawak ng kaliwang kamay niya ang payong.

Bumitaw sa pagkaka-yakap si Gab at bigla niyang hinalikan sa labi si Darren. Agad din namang tinugon ni Darren ang halik ng minamahal. Naghalikan sila na tila sabik na sabik sa isa't isa. Di nila pansin na nasa kalsada sila at baka may makakita sa ginagawa nila.

Ilang sandali pa ay bumitaw na sila pareho.

"Sorry Darren kung hindi ako umabot. Sorry kung ngayon lang ako dumating. Sorry ku-"

"Shhh... Tama na. Ang mahalaga ay nandito ka na. Magkasama na tayo." pagputol ni Darren sa pagsasalita ni Gab

Muli niyang hinalikan sa labi si Gab (smack lang.)

"Tara na, pumasok na tayo para malapagpalit ka na ng damit, at baka magkasakit ka pa."

Tumango lang si Gab bilang pag tugon kay Darren.

Habang papunta sila sa kwarto ni Darren, ay naikwento ni Gab ang ginawa niyang pag suway sa Mama niya para lang makauwi, pero naipit naman siya ng traffic kaya hindi na rin siya umabot.

Napangiti naman si Darren dahil sa nagawa yun ni Gab para sakanya. Naisip niya na mahal na mahal talaga siya ni Gab.

Nasabi din ni Gab, na naiwan niya sa bahay ng tita carmela niya ang cellphone niya kaya hindi siya naka-sagot sa mga text at tawag ni Darren.

Nang makarating na sila sa kwarto, ay agad siyang binigyan ng tuwalya ni Darren. Habang abala siya sa pagtiyo ng buhok niya, ay naramdaman niyang tinatanggal ni Darren ang butones ng suot niyang damit.

"Teka, ako na!" hinawakan niya ang kamay ni Darren para pigilan niya ang ginagawa nito.

Tumingin sakanya si Darren. "Ako na!" at itinuloy na ulit ang ginagawang pag tanggal sa butones ng damit ni Gab.

Kahit na naiilang, ay hindi na kumontra si Gab kay Darren.

Tiningnan niya si Darren at nakita niya itong naka-ngising nakatingin sakanya habang tinatanggal ang pagkaka-butones ng damit niya. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng pagkailang. Agad niyang inalis ang tingin niya dito.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon