FINAL CHAPTER

47.4K 1.3K 852
                                    

-----------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------------

Eto na ang huling chapter :( thank you sa lahat ng nagtiyagang basahin tong story na to. Hahaha!

Dedicated ang chapter na to para SAINYONG LAHAT !!! :)))

Sa mga Nagbasa, Nag-comment, Nag-vote, Naglagay sa RD ng story na to at sa lahat ng GARREN FANS Taray :p

THANK YOU!

MAHAL KO KAYONG LAHAT!!! :')

-dorshylover

-----------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------------

Hindi napgilan ni Gab napaiyak dahil sa mga nalaman.

"Oy Gabby! Wag kang umiiyak! Binibiro lang kita, ikaw naman!"

Paliwanag ni Darren

"Huh!? Hindi ko maintindihan?" Naguguluhang tanong ni Gab

"Hindi ko asawa si Sarah, dahil kapatid ko siya. Kapatid ko siya sa Ama. At itong si Baby Iñigo anak niya yan. Bale pamangkin ko."

Naka-ngiting paliwanag ni Darren. Nakita naman ni Gab na natawa yung Babae.

"Napaka loko-loko mo talaga Bro! Umaiyak tuloy siya. Siya ba si Gabby?" Sabi nung Sarah

"Oo Sis! Siya si Gabby ko. Ang my loves ko!"

Nakangiting sabi ni Darren.

Biglang sinampal naman ni Gab si Darren.

"Hindi ka pa rin nagbabago! Napaka gago mo pa din! Gustong-gusto mo talaga akong pinaglalaruan! Gustong-gusto mo talaga akong pinapaiyak!"

Naluluhang sabi ni Gab.

"Sakit nun ah! Sorry naman Gabby ko, binibiro lang naman kita eh. Naglalambing lang ang Renren mo. Namiss lang naman kita eh."

Naka-ngiting sabi ni Darren sabay hawak nito sa bewang ni Gab at hinila papalapit sakanya.

"Namiss!? Dalawang taon kang hindi nagparamdam sa akin tapos sasabihin mo namiss mo ako!?" Si Gab

Naging seryoso naman ang mukha ni Darren.

"Maiwan muna namin kayo ng pamangkin mo Bro, mukhang kailangan niyong mag-usap ng masinsinan ni Gabby mo"

Sabat naman ni Sarah. Tumingin sakanya si Darren.

"Sige Sis, iwan mo muna kami."

Pagkasabi ni Darren nun ay umalis na si Sarah.

"Pasesnya ka na Gabby ko kung hindi ako nakapag-paramdam sayo sa loob ng dalawang taon. Naging abala kasi ako sa pag-aaral ko dun tska nagkasakit kasi si Mama."

Seryosong sabi Darren.

"Si Tita Emily may sakit? Ka-kamusta na siya?"

Tanong ni Gab.

Ngumiting pilit si Darren at hinawakan sa kamay si Gab.

"Tara dun sa loob. May ipapakiita ako sayo." Si Darren

Pagkapasok nila sa kubo ay umupo sila dun sa papag. May kinuhang laptop si Darren doon at ipinatong sa hita niya.

"A-ano to? Para saan to?" Nagtatakang tanong ni Gab.

"May gusto akong ipakita sayo." Si Darren

Binuksan nito ang laptop at binuksan yung isang video file.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon