Chapter-6

77.1K 1.3K 92
                                    

---------------------------------------

Sigurado na ako na mahal ko siya. Mahal ko si darren. Pero hindi ko kayang sabihin sakanya, dahil takot ako. Mas gusto ko pa na maging magkaibigan nalang kami kesa ipagtapat ko nga sakanya ang nararamdamn ko, pero dumating naman sa punto na lalayuan niya ako.

Bakasyon na namin. kaya mas madalas akong naging tambay kila darren. 3 buwan na kaming magkaibigan. At sa loob ng 3 buwan na yun. Mas lumalim ang nararamdaman ko sakanya.

Nakaupo kami sa mahabang bangko sa terrace nila darren.

Darren: tol, nagka-gf ka na ba?

Gab: huh? O-oo naman... "pagsisinungling ko. Hindi ako nagka-gf dahil sa gay nga ako." bakit mo naman naitanong?

Darren: ahh... wala naman... kasi akala ko bading ka eh.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nararamdaman kaya niya?

Gab: gagu! sabay batok ko sakanya...

Darren: arayyy... Sakit nun ah. Kasi wala kang gf ngayon. Wala ka din naikukwento sa aking nililigawan mo.

Gab: porket walang gf gay na agad? hindi ba pwedeng naka-focus lang ako sa pag-aaral? Tska ikaw din naman wala kang gf ahh...

Darren: diba kabebreak ko lang. pahinga muna ang puso ko ngayon.

Gab: hmmm.... Mahal mo pa ba yung ex mo na yun? ano nga ba name nun?

Darren: si Cez yun.. Mahal? hindi... hindi ko alam... matagal ko na siyang hindi nakikita. Huling balita ko sakanya, may bago na siyang bf. Seryoso niyang sabi.

Naisip ko. Siguro mahal pa nga niya yung cez. parang affeted pa din siya pag nababanggit yung girl na yun.

Gab: tara tol. Mag playstation nalang tayo. mukhang na-eemo ka sa usapan natin eh. Hehehe

Darren: ulol! tara na nga sa kwarto.

---------------------------------------

Nasa mall kami nila mama at tito henry. naalala ko malapit na ang bday ni darren. Halos 1 buwan nalang mula ngayon. May nakita akong tshirt na kulay itim na may stripes na kulay berde at may design na mapa ng pilipanas sa kanang dibdib nito.

Mukhang bagay na bagay to kay daren. Naisip ko na eto nalang ang ireregalo ko sakanya. Binili ko agad yun kahit matagal-tagal pa ang bday ni darren.

Pauwi na ako ng magtext sa akin si darren...

Darren: tol, punta ka dito sa bahay, inuman tayo nila

memeng.. tska may pakikilala ako sayo.

Gab: sige, pauwi na kami nila mama. sino naman yang ipapakilala mo???

Darren: ayos! sige punta ka nalang dito sa bahay... si cez yung ipapakilala ko sayo...

Si cez?? Diba yun yung ex-girlfriend niya?? O_o tanong ko sa isip ko.

Gab: ahhh... sige punta nalang ako dyan tol.

Darren: sige tol, ingat! :)

habang nasa byahe kami. nakaramdam ako ng pagka-lungkot. Paano kung nagka-balikan na nga sila??

hindi ko napigilang tumulo ang luha ko...

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon