Chapter-5

75.3K 1.3K 212
                                    

---------------------------------------

Darren: ayokong mahirapan ka.. kasi mahal kita.. mahal kita gab...

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya...

Darren: mahal kita gab... kasi kaibigan kita. mahalaga ka sa akin. kahit sandali pa lang tayong nagiging magkaibigan, napaka gaan na ang loob ko sayo. para na kitang kapatid.

Arayyy... sabi na eh, kapatid lang ang tingin niya sa akin eh. Masyado lang akong hopia at assumera...

Gab: ang drama mo! matulog ka na nga... lasing ka nga, ang arte mo eh. Hehehe...

Darren: ulol! totoo yun noh!

Humiga na ako sa kanang bahagi ng kama. nakatalikod ako sakanya.. naramdaman kong yumakap siya sa akin mula sa likuran ko.

Darren: goodnight tol.

Napangiti ako dahil yakap niya ako. ramdam ko ang init ng katawan niya.

Gab: goodnight din tol.

At nakatulog na nga kami...

Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa bintana.

Nang dumilat ako, napansin ko na nakaharap na ako kay darren. Naka-unan ako sa braso niya.

Tiningnan ko ang mukha ni darren na tulog na tulog. napaka-gwapo niya. Matangos na ilong, mapupulang labi.

Napangiti ako. at sa mga oras na yun, nasabi ko sa sarili ko na mahal ko siya, mahal ko siya higit pa sa pagiging kaibigan o pagiging kapatid. Mahal ko si darren. mahal ko ang Kapit Bahay Ko...

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon