Chapter-35: "Monthsary"

38.8K 712 94
                                    

GAB'S POV:

-----------------------------------------------------------------------

*TOK! TOK! TOK!*

Nagising ako sa malakas na katok sa pintuan ko. Pero hindi yun pinansin. Hindi ako dumilat at nanatili lang akong nakahaiga sa kama ko. Si Mama lang yun, aayain akong mag-agahan.

Ayokong bumangon, ayokong magsalita at ayokong kumain. Kung pwede lang matulog nalang ako habambuhay para hindi ko na maramdaman ang sakit na dulot nang pangloloko sa akin Darren.

Hindi ko parin pinansin. Nagtulog-tulugan lang ako.

*TOK! TOK! TOK!*

Palakas nang lakas ang katok niya. Parang masisira na ang pinto ng kwarto ko. Pero hindi naman nagsasalita. Parang hindi naman si Mama yun.

Isang malakas sunod-sunod na katok ulit ang narinig ko.

"Sandali!!!" sigaw ko. nababadtrip na ako.

Bumango ako at kinusot-kusot ko ang mata ko tska ako dumilat. At laking gulat ko sa nakita ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto ko. Kinusot-kusot ko din ang mata ko. Baka nanaginip lang ako.

"Hindi to panaginip." sabi ko sa sarili ko.

Nakita kong punong-puno ng blue roses ang buong kwarto ko. Nag mistulang flower shop ang kwarto ko.

Tumayo ako at napansin kong pati ang sahig ng kwarto ko ay punong-puno ng rose petals.

Agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko para maitanong ko kay Mama kung saan galing to.

Pero pagbukas ko. Mas ikinagulat ko ang nakita ko.

"Good morning Gabby ko!"

Si Darren nakatayo sa tapat ng kwarto ko.

"Para sayo to..." Sabi pa ni Darren.

♪ ♫ I wanna make you smile whenever you're sad

.

Carry you around when your arthritis is bad

all I wanna do is grow old with you. ♪ ♫

Si Darren may hawak na mic at kinakantahan ako ngayon.

♪ ♫ I'll get your medicine when your tummy aches

.

Build you a fire if the furnace breaks

Oh it could be so nice,

growing old with you ♪ ♫

Nakatulala lang ako sakanya, Napaka-bilis ng tibok ng puso ko.

♪ ♫ I'll miss you Kiss you

Give you my coat when you are cold

Need you

Feed you

Even let ya hold the remote control.

So let me do the dishes in our kitchen sink Put you to bed when you've had too much to drink

I could be the man who grows old with you ♪ ♫

Lumapit siya sa akin.

♪ ♫ I wanna grow old with you...

"Happy 1st Monthsary Gabby ko." Naka-ngiti niyang bati sa akin.

Hindi na ako nakapag-salita at niyakap ko nalang siya.

"Gabby ko, sorry kung naging cold ako sayo nung mga nakaraang araw ah? Arte ko lang yun para dito sa sopresa ko sayo. Kaya hindi ko rin nababanggit sayo monthsary natin dahil dito sa gimik ko. Gusto ko kasi magulat ka at masopresa."

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon