Chapter-37: "Walang Nagbago"

39.3K 709 223
                                    

GAB'S POV:

-----------------------------------------------------------------------

PAGKALIPAS NG 1 LINGGO...

.

.

.

Kagaya ng nakasanayan namin ni Shae tuwing wednesday ay nagpupunta kami sa mall para mag bonding. Pag ganitong araw kasi 11-12 lang ang klase namin kaya gumagala kami after ng klase namin.

Naglalakad kami ngayon para mag lunch sa favorite fast food namin ng may makasalubong kami.

Napahinto ako sa paglalakad.

"Caloy?!" naka-ngiti kong sabi

"Kamusta ka na Gab?" naka-ngiting tugon sakin nito.

"Hmmm... Siya pala yung Caloy?" bulong sa akin ni Shae

Tumingin lang ako sakanya.

.

.

.

"Ikaw pala yung Caloy na naikwento sa akin nito si Gab." Umandar na ang pagka-chikadora nitong si Shae. Andito na kami ngayon sa KFC. Kasama namin si Caloy na mag lunch.

"Naikwento pala ako sa'yo ni Gab?" si Caloy

"Oo naman! Diba ikaw yung nangligaw sakanya?!" sabay kurot ko kay Shae pagakasabi niya nun. Ang daldal talaga.

"Araaaayyy naman palaka!"

Binigyan ko lang siya ng masamang tingin.

"Hahaha! Oo, ako nga! Naikwento din ba niya sayo na -- na basted ako?" Sabi naman ni Caloy.

Napatingin lang ako sakanya at nakita kong ngiting-ngiti lang siya.

Nagkatitigan kami ng biglang nag-ring ang cellphone ni Palakang Shae.

"Palaka, nagtext sa akin si Babe, pinapupunta ako sakanila kasi may sakit siya." nag-aalalang sabi sa akin ni shae.

"Akala ko ba LQ kayo? Tapos isang text lang para gawin kang yaya pupunta ka na agad?"

Pinalo naman ang sa braso ni Shae.

"Tse! Ganoon naman talaga pag nagmamahal noh! Hindi mo matitiis kahit may nagawa pa siyang masama sayo. Tska humingi naman siya na ng sorry sa akin tungkol sa nagawa niya. Kaya pintawad ko na." mahabang paliwanag ni shae.

May bigla naman akong naalala nang sabihin niya yun.

Ngumiti nalang at tumango ako sakanya. Sign na ok na. Larga na siya sa dyowa niya.

"Sige, kita nalang tayo bukas sa school ok?" nagpaalam din siya kay Caloy. Nun ko naalala na kasama nga pala namin si Caloy. Muntik ko na makalimutan.

Naiwan kami ngayon ni Caloy. Aminin ko na medyo naiilang ako. Ewan ko ba. Ngayon lang ulit kasi kami nagkita.

Siya ang bumasag nang katahimikan namin.

"Kamusta ka na Gab?"

"Ok naman. Eto medyo busy sa school. Ikaw?"

"Ok lang din. Balik school din ako."

Tumango ako at tumingin sa pagkain ko.

"Namiss kita." bigla niyang sabi

Napatingin ako sakanya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Namiss ko din naman siya kaso, nahihiya akong sabihin.

"Bakit hindi ka pa kumakain? Akala ko ba kaya ka rin nandito sa mall kasi kakain ka din ng lunch?" pag-iiba ko nang usapan.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon