Chapter-15

75K 1.7K 449
                                    

------------------------------

"musta ka na tol? kaya pala hindi ka na pumupunta sa bahay, kasi abala ka na pala kay caloy."

seryoso niyang sabi sa akin

napansin ko na naka-inom si darren...

"hindi naman tol, umalis lang kami ka----"

naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita siya ulit

"pinuntahan kita kaninang umaga, isasama ka sana namin ni lola na pumunta sa mall kaso umalis ka nga daw kasama ni caloy."

"ah-ah pa-pasensya na, sana tinext mo ko nung maaga pa para nalaman ko."

nauutal kong sabi

"bakit, kung tinext ba kita, sasama ka sa amin?"

seryosong tanong niya sa akin. hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya..

"Bakit hindi ka makasagot?"

"daren.."

"tol, isang tanong, isang sagot, kayo na ba ni caloy?"

.

.

.

.

Nagulat ako sa tanong ni darren. hindi ko akalain na itatanong niya sa akin yun, hindi ko akalain na iniisip niya na may relasyon kami ni caloy

"huh?" ang tanging naging tugon ko sakanya

"tol, alam kong bisexual yung si caloy! at ramdam ko na may gusto siya sayo, alam ko na kaya gusto niyang maging malapit sayo, dahil gusto ka niya!"

nabigla ako sa mga sinabi ni darren. si caloy bisexual? si caloy may gusto sakin? so, totoo yung pakiramdam ko na parang may gusto siya sa akin?

Hindi agad ako naka-sagot kay darren, sobra akong nagulat sa mga sinabi niya.

"ano tol, sumagot ka naman oh!"

tumataas na ang boses ni darren

"darren, naka-inom ka na, umuwi ka na, kung ano-ano na yang pinagsasasabi mo.."

tumalikod na ako at pumasok sa gate namin, naguguluhan ako, at pagod ako, ayokong makipag-usap kay darren lalo't naka-inom siya.

pero nung nasa tapat na ako ng pinto ng bahay namin, bigla akong hinablot ni darren at hinawakan ang magkabila kong braso.

"darren, bitawan mo nga ako! umuwi ka na nga!"

sabi ko sakanya na may pagka-mataas na boses,

pilit din akong kumakawala sa pagkaka-hawak niya sa akin, kaso malakas siya, hindi ako maka-alis sa pagkaka-hawak niya.

"tol, ano nangyari sa atin? bakit pakiramdam ko inilalayuan mo na ako, bakit pakiramdam ko ayaw mo na akong maging kaibigan?"

nakikita kong namumuo na ang luha sa mga mata ni darren. hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko.

"gusto mo ba talagang malaman darren?"

tanong ko sakanya

"Oo, tama ka, gusto ko ng lumayo sayo!"

nakita ko ang pagka-gulat sa mga mata ni darren.

"ba-bakit gab? may nagawa ba ako sayo? galit ka ba sa akin? may nagawa ba akong ikinagalit mo?"

sunod-sunod na tanong ni darren

"wala kang ginawa darren, wala kang ginawang masama."

"eh bakit gusto mong lumayo sa akin?"

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon