Chapter-28: "Saya,Kilig,Sakit"

67.5K 879 183
                                    

GAB' POV

-----------------------------------------------

♪ ♫ If our love is tragedy, why are you my remedy

If our love's insanity, why are you my clarity ♪ ♫

Tunog ng alarm ng cellphone ko. Agad akong bumangon kinusot ang mata at nag-inat ng bonggang-bongga. Excited ako para sa araw na to. May date kasi kami ng Renren ko eh. Inagahan ko talaga ang gising ko para kundisyon na kundisyon ako.

Tiningnan ko ang cellphone ko para i-check kung may nagtext o tumawag habang sleeping beauty ako, at siyempre meron ngang nagtext at siyempre sino pa ba yun walang iba kundi si Renren ko.

"Good morning mahal ko. Wag mong kakalimutan na tuwing gigising ka sa umaga, may isang taong napaka-saya dahil dumating ka sa buhay niya, at ako yung taong yun. I LOVE YOU GABBY KO! :*"

Siyempre kilig na kilig naman ang lola niyo... Kay aga-aga umandar nanaman tong pagka Don Romantico ni Darren Madrigal. Pero araw-araw naman niyang ginagawa yan eh, tuwing umaga lagi niya akong pinapadalhan ng mga kakesohang message niya. Hindi ko nga alam kung saang libro niya kinukuha yan eh.

Nung nakaraang nga tinanong ko sakanya kung saan niya napupulot yung mga pinapadala niya sa akin.

"Impakto este Renren ko, saan mo ba napupulot yang mga pinapadala mo sa aking mga kesong message?" tanong ko sakanya. "Tsk. Hindi ko napulot o nakuha yan kung saan no! Galing yan sa puso ko. Tuwing gigising ako sa umaga, ikaw agad ang nasa-isip ko, at kusa yan pumapasok sa isip ko galing sa puso ko." sagot niya sa akin.

Totoo man yun o pambobola niya sa akin, basta kinilig ako. Yun naman ang gusto ko sa Renren ko eh, hindi nagmimintis na pakiligin ako. Minsan nag-uusap kami ng matino biglang may itatanong sa akin yun pala pick-up line na yun. Buang lang. Haha! Kaya mahal na mahal ko yan eh, dahil sa pagiging romanticong buang niyan eh :p

Tumayo na ako sa kama at tumuloy sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush. Meron pa akong 1 oras para maghanda bago kami umalis. Gutom ako kaya kain muna ako breakfast.

Lumabas ako ng kwarto at tumuloy sa kusina para tingnan kung ano niluto ni inday. Laking gulat ko, ng si Mama ang nasa kusina. "Oh Ma, tuesday ngayon ah, hindi ka pumasok?" nagtataka kong tanong kay Mama. "Tinamad akong pumasok eh, parang gusto ko muna dito sa bahay." sagot ni mama. "Tapos na tong niluluto ko. Tara kumain na tayo Gab."

Pumunta na kami sa lamesa para kumain. "Ma, si Tito Henry hindi mo ba tatawagin sa tindahan?" tanong ko kay Mama. "Umalis ang Tito Henry mo eh, may importanteng inaasikaso." sagot ni Mama. "Ah, ganun po ba."

Sinumulan na namin kumain. Grabe, sarap nitong tapsilog. Paborito ko to eh, kaya magana akong kumain. Habang nasa kasarapan ako ng pagkain ay biglang nag salita si Mama.

"Alam mo Gab, andaming nagbago sayo." si Mama

Hindi ko naman naituloy yung isusubo ko.

"Bakit ma? Ano naman nagbago sa akin?" nagtataka kong tanong kay Mama

"Napasin ko kasing pala ngiti ka na ngayon, pala-tawa. Medyo naging madaldal ka na ngayon. At higit sa lahat naging pala-kaibigan kana ngayon at naging lakwatsero na!" si Mama

Bigla naman akong napaisip. Totoo naman yung sinabi ni Mama. Malaki nga ang pinagbago ko. Dati lagi lang ako naka-kulong sa kwarto. Lumalabas nga lang ako pag kakain na. Hindi din ako pala-kaibigan. Gaya ng sabi ko, si Shae lang talaga ang kaibigan ko. Hindi ako pala-barkda dati. Alam ko na nabago lang ako mula ng mapunta kami dito, at alam kong si Darren ang pinaka nagpabago sa akin.

Tinuro niya sa akin na mas masaya ang mabuhay na may kasama, may karamay, hindi yung palagi nalang nag-iisa. Dahil din sakanya, naranasan kong magmahal, masaktan at maging maligaya. Sa totoo lang, maraming tinuro sa akin ang impaktong yun eh, marami akong natutunan sa buhay dahil sakanya.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon