Chapter-4

84.8K 1.5K 362
                                    

---------------------------------------

Lumipas ang mga araw naging mas close kami ni darren. madalas akong pumupunta sakanila. Minsan naman si darren ang pumupunta sa bahay namin.

naging textmate din kami. minsan inaabot kami ng madaling araw kakatext. Daig pa namin ang mag syota (HOPIA) hehehe....

hindi ko pa nasasabi sakanya na gay ako. gusto kong sabihin, kaso natatakot ako na magbago siya sa akin. Ayokong mawala sa akin si darren. kahit sandali pa lang kaming magka-kilala, naging importante na siya sa akin. ewan ko, mahal ko na ata siya. bukod sa gwapo siya, napaka-bait at maalalahanin niya kasi sa akin. ayokong bigyan ng malisya yun. siguro ganun lang talaga siya pagdating sa kaibigan.

Nakikilala ko na rin ang barkada niya dito. Si lito at memeng. mabait din sila at napaka-saya kasama. Madalas na bonding naming 4 ang mag-inuman. Lakas umonom nung mga yun! matagal bago malasheng. Kaya ako ang sumusuko sakanila.. Tska inaawat ako ni darren. Ayaw niya kasi akong malalasing :"> ( ang sweet )

nasa school ako ngayon. Masaya ako kasi malapit na ang bakasyon namin. mas madaming oras ko na makakasama si darren at ang barkada.

Nasa canteen kami ni shae ang kaisa-isa kong kaibigan sa school.

Shae: alam mo gab parang may nagbago sayo..

Gab: huh? Ano naman yun?

Shae: parang masaya ang aura mo ngayon! napapansin kong lagi ka na naka-ngiti ngayon hindi katulad nung dati..

Gab: tsee! Porket ngumingiti lang nagbago na agad? tska masaya ako kasi nakikita kong masaya si mama kay tito henry. "yun ang sinabi kong dahilan, pero ang totoo niyan, si darren ang dahilan kung bakit ako masaya."

Shae: asus! baka naman may boyfriend ka na! baka inlove ka na at naglilihim ka lang sa akin!

Gab: loka! Hindi noh! Pag-aaral muna ang iniisip ko. Tska na yang love, love na yan...

Shae: ok.. sabi mo eh...

Friday ngayon. wala akong pasok bukas, kaya nag-yaya akong mag-inuman kami kila darren. nagpaalam din ako kay mama na kila darren ako matutulog.

Nag-inuman nga kami. Medyo naparami ang nainom ni darren. Paano kasi sinasagot niya yung mga tagay ko. Ayaw niya daw kasi akong malasing. Ng matapos kaming mag-inuman inalalayan ko siya papasok sa kwarto niya.

Gab: ayan kasi, sinagot mo ang mga tagay ko eh.

Sabi ko habang inalalayan ko siyang humiga sa kama.

Darren: eh.. Kesa naman ikaw ang malalasing pag hindi ko sinagot yun! ayokong malasing ka...

Gab: kaya ikaw ang lasing ngayon. Ikaw ang hilo, ikaw ang nahihirapan.

Darren: mas mabuti na ako ang nahihirapan kesa naman ikaw tol.

Gab: hmm bakit naman?

Darren: ayokong mahirapan ka.. kasi mahal kita.. mahal kita gab...

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya...

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon