Chapter-3

92.2K 1.5K 230
                                    

--------------------------------------

Ni-lock ko muna ang pintuan ng bahay gaya ng bilin sa akin at sumama na ako kay darren. Sabay kaming naglalakad at medyo malapit kmi sa isa't isa. Ang bango niya pramis...

Andito na kami sa harap ng bahay nila. Kulay pula ang gate nila.

Darren: "tol, tara pasok." at binuksan niya ang gate. nauna siyang pumasok tapos sumunod ako.

Nakasalubong namin ang lola niya.

Darren: "Lola, si Gab nga po pala. bagong lipat lang siya dito. siya yung kinukwento ni mang henry." Gab, lola luring ko nga pala."

Gab: "kamusta po kayo lola luring.."

Lola Luring: "ahh mabuti naman ako iho, ikaw pala yung magiging anak ni henry. nasaan ang mama mo?"

Gab: "umalis po sila ni tito henry. naiwan lang po ako dun sa bahay."

Lola Luring: "ahh ganun ba, sige pumasok muna kayo ni darren. Dito ka na mananghalian."

Darren: "oo nga tol, dito ka na mag lunch."

Gab: ok sige po lola.

Umupo kami ni darren dun sa terrace. nagkwentuhan kami tungkol sa buhay buhay. Nalaman ko na hindi pala niya nakilala ang ama niya. Amerikano ang tatay niya. iniwan daw kasi sila ng mama niya nung 1yr.old palang siya. ang mama lang niya ang bumuhay sakanya. nasa london ngayon ang mama niya para mag trabaho. Wala siyang kapatid. lola lang niya kasama niya dito sa bahay. Hindi siya nag-aaral. Nung tinanong ko kung bakit, tinatamad daw siya.. Ayosss.. May pagka-tamad pala.

ikinuwento ko din sakanya ang boring kong buha.

Darren: Tol, marami na ako akong alam sayo, ikaw din marami ka na alam sa akin. pwede na sigurong maging magkaibigan tayo. "sabay ngiti"

natawa naman ako sa sinabi niya.

Gab: oo naman! magkaibigan na tayo. kaya nga ako sumama sayo dito sa bahay niyo eh.

Darren: hahahaha... Ayos!! "sabay apir sa akin."

Nagtanghalian na nga kami. Ang sarap ng kaldereta ni lola luring. Napadame ako ng kain. Hehe.. mabait silang mag-lola kaya naging maagaan na agad ang loob ko sakanila lalo na kay darren.

Pagkatapos naming kumain. tinulungan kong maghugas ng pinggan si darren. tinanong niya ako kung sanay daw ako mag playstation. sabi ko oo sanay ako. kaya pagkatapos naming maghugas ng pinggan, ay pumunta kami sa kwarto niya.

Nagulat ako ng bigla siyang magtanggal ng tshirt. nanlaki ang mga mata ko. Kitang kita ko ang maputi at makinis niyang katawan. maganda din ang katawan niya. wala man siyang abs, pero hindi naman malaki ang tiyan niya.

Gab: ba-bakit ka naghubad??

Darren: nabasa kasi tong damit ko dahil sa paghuhugas natin ng pinggan. magpapalit lang ako.

ok lang naman na makita mo katawan ko. parehas naman tayong lalaki eh. Hehe..

Gab: aa oo nga. sige magbihis kana..

Nag-suot na siya ng tshirt. at tumabi sa akin. nakasalampak kami sa lapag sa harap ng tv.

Darren: ano gusto mong laruin? NBA gusto mo?

Gab: ayoko. hindi ako sanay mag-basketball. eto nalang tekken.

Darren: ok sige...

At naglaro na nga kami maghapon ng playstation. Nag meryenda din kami ng biko luto ni lola luring.

Bandang 6pm nagpaalam na ako na uuwi na. Hinatid pa ako ni darren sa amin. Andun na sila mama. bukas na kasi ang tindahan ni tito henry.

Darren: o sige tol, uwi na ako. bukas nalang ulit. Ipapakilala kita dun sa iba ko pang barkada dito.

Gab: sige tol, bukas pau-uwi ko galing school punta ako sainyo..

Umuwi na si darren at pumasok na ako. Sakto kakain na kami ng hapunan. naikwento ko kay mama at tito henry si darren. at sabi ni tito henry na mabait na bata daw talaga yun.

After namin naghapunan, naghugas ako ng pinggan at pumasok ako sa kwarto para maligo at magpahinga. may pasok na ako bukas. humiga ako sa kama, at naisip ko ang mga nangyari maghapon. ang pagkakakilala ko kay darren, ang pagkakaroon ko ng bagong kaibigan. naka-tulog ako na may ngiti sa aking labi.

Itutuloy...

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon