Chapter-36: "Paalam"

39.2K 772 141
                                    

-----------------------------------------------------------------------

Nagising nalang si Gab na nasa isang puting kwarto nalang siya.

"Gabriel, buti naman at gumising ka na. Kamusta ka na? May masakit pa ba sayo?" nag-aalalang tanong ng mama niya

Tiningnan ni Gabby ang sarili at naramdaman niyang masakit ang kanang binti at naka-cast ito.

Napatingin siya sa isang lalaking nakatayo ngayon sa paanan niya. Tumingin sakanya ito at agad ding inalis ang tingin at yumuko. Halata sa mukha nito ang pagsisi at guilty dahil sa nangyari. At yun ay si Darren.

Nang muling makita ito ni Gabby ay biglang bumalik sakanya ang mga nangyari...

-----------------------------------------------------------------------

FLASHBACK

-----------------------------------------------------------------------

Pagkatapos makita ni Gabby ang video ay agad niyang pinuntahan si Darren.

Dirediretso lang siya sa pagpasok sa gate nila Darren at agad naman niyang nakita ito na nakaupo sa terrace.

"Gabby ko! Nandito ka na pala!" sinalubong siya nito ng ngiti at niyakap siya nito. Pero natitili siyang walang imik at napansin yun ni Darren.

"Gabby ko may problema ba?"

Tiningnan lang siya ni Gab at Inabot kay Darren ang cellphone na naglalaman ng video.

"Ano to?!" Nagtatakang tanong ni Darren.

Kinuha naman niya yun at laking gulat sa napanood.

Siya ang nasa video at si Cez. Kitang-kita na mainit silang naghahalikan. (mapapansin sa video na naganap ito sa terrace nila Darren.)

Nabitawan niya ang ang cellphone sa pagkabigla sa nakita.

Nitingnan niya sa mukha si Gabby.

"Gabby, magpapaliwanag ako!" hinawakan niya sa magkabilang braso si Gabby, na hanggang ngayon ay wala pading imik.

"Nangyari yan nung bday ko. Lasing ako niyan, nadala lang ako, pero hindi naman ako tuluyang nagpadala. Itinigil ko din agad dahil alam kong mali at dahil mahal kita. Maniwala ka,walang ibang nangyari sa amin." maluha-luhang pagpapaliwanag ni Darren.

Hindi padin nagsasalita si Gabby at naka-tingin lang ito kay Darren. Sa pananahimik niyang yun ay nakaramdam ng takot si Darren.

Niyakap naman siya Darren.

"Gabby ko, patawarin mo ako. Nadala lang talaga ako pero hinding-hindi na mauulit! Pangako ko yan. Patawarin mo ako."

Paulit-ulit na paghingi ng tawad ng binata.

"Tapos ka na?" maikli sabi ni Gabby.

Bumitaw nang pagkakayakap si Darren kay Gabby.

Tumalikod na si Gabby at akmang aalis nang pigilan siya ni Darren.

"Gabby... Magsalita ka naman oh! Kausapin mo ako."

Tumingin si Gab sa mukha ni Darren.

"Bitawan mo ako." mahinang sabi nito.

Pero hindi padin siya binitawann ng binata.

"Bitawan mo ako!" Pumatak na ang luha ni Gab.

Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ni Darren at nang maka-kawala siya ay tumakbo siya palabas.

"Gabby!" sinundan naman siya ni Darren.

Tuloy-tuloy lang sa pagtakbo si Gab at hindi niya napansing may padadating na tricycle kaya nabundol siya nito.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon