Chapter-13

77.4K 1.6K 402
                                    

------------------------------

Gab's POV

"Nagising ako ng maramdaman ko ang sinag ng araw sa aking mga mata, pero hindi ko pa dinilat ang mga mata ko, gusto ko pa matulog. para kasing pagod na pagod ang katawan ko..."

.

.

maya-maya pa ay napansin ko na may katabi ako, at tska may kamay na nakayakap sa akin mula sa likuran ko......

Agad kong dinilat ang mata ko, nilibot ko ang mata ko sa paligid at napansin kong hindi ko kwarto to.

Teka, warto ni darren to ah! dito ako naka-tulog?

"At bigla kong naalala na naka-tulog ako kagabi, habang nag-kukwentuhan kami ni darren"

unti-unti kong tinanggal ang kamay ni darren na nakayakap sa bewang ko, dahan-dahan para hindi ko siya maabala sa pag tulog....

Pero nung naaangat ko na ang kamay niya, bigla niya akong niyakap ulit! mas mahigpit pa ngayon.

"Bakit mo tinatanggal ? inaantok pa ako, gusto ko pa matulog. tulog muna tayo tol..."

"kailangan ko na umuwi tol, hindi ako nakapag paalam kay mama, baka hinahanap na ako nun!"

sabi ko sakanya habang sinusubukan kong tanggalin ang kamay niya sa pagkaka-yakap niya sa akin.

"naipag-paalam na kita kagabi tol, tinext ko na ang mama mo na dito ka matutulog..."

sabi niya sa akin habang ayaw padin tanggalin ang pagkakayakap sa akin

"tol, baka pwede namang paki-tanggal na ang kamay mo... hindi na ako maka-hinga eh.."

"ayoko nga!! "

"sige na tol, tanggalin mo na, please namaaaaannn..."

"bakit kagabi, nung pinatong mo ang paa mo sa akin at niyakap mo ako, at ginawa mong unan ang dibdib ko, hinayaan lang kita..."

nanlaki ang mata ko sa sinabi niya...

Ginawa ko yun??? O.o

yumakap talaga ako sakanya, at ginawa kong unan ang dibdib niya???

Nakaramdam ako ng hiya, naramdaman ko ang pag-pula ng pisngi ko

"huh? ginawa ko yun?"

"Oo ginawa mo yun! kaya bilang kapalit nun hayaan mong ako naman ang yumakap sayo!"

pagkatapos niyang sabihin yun, hinarap niya ako sakanya.

Magka-harap na kami ngayon. lumakas ang kabog ng dibdib ko, paano naman kasi, napaka lapit ng mukha namin sa isa't isa

ngumiti sa akin si darren ng ubod ng tamis, dahilan para dumoble ang kabog ng puso ko.

"Good morning tol!"

bati niya sa akin

"Good morning din tol...."

"tol, paano nga pala ako napunta dito sa kwarto mo? bakit hindi mo manlang ako ginising para naka-uwi ako."

tanong ko sakanya

"anong hindi kita ginising eh, halos buhusan na nga kita ng malamig na tubig para magising ka eh, ayaw mong matinag, para kang naka-inom ng pampa-tulog, kaya binuhat na kita papunta dito sa kwarto, bigat mo nga eh."

ganun ako kahimbing ng pag tulog? binuhat niya ako?

"baka naman nilagyan mo talaga ng pampa-tulog yung mga kinain ko kagabi.?"

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon