01

33.5K 758 130
                                    

"CHEERS!"

Diretsong ininom ni Sunset ang alak na nasa baso niya bago nagsalin ulit ng panibago. She wanted to get wasted so bad. Sino ba naman ang hindi? Her boyfriend-ex-boyfriend rather, for almost three years cheated on her with her so called friend!

"Hoy bruha ka, tama na nga yan! baka malasing ka! nakakaloka ka!" saway sa kanya ni Bernie, her gay best friend. Tinangka nitong kunin ang bote ng alak na hawak niya pero agad niya iyong naiwas. Nandoon sila sa isa sa mga kilalang bar sa downtown, ang Bacchus.

"Just let me get wasted, Robernito, kahit ngayong gabi lang!" napaigtad siya nang kurutin siya sa tagiliran ng kaibigan.

"It's Bernie! Gaga ka, mamaya may boylet sa paligid na makarinig ng truelalu name ko, biglang ma-turn-off sa akin!" luminga-linga pa sa paligid ang si Bernie, parang chine-check nito kung may nakarinig ba sa kanya. She chuckled.

Umusog siya palapit sa kaibigan, ngumisi siya at kumapit sa braso ni Bernie, "What if tayo na lang kaya, Bernie? What if we're meant to be talaga for each other?" para namang napaso na bigla siyang tinulak ng kaibigan. Muntik tuloy niyang mabitawan ang bote kung hindi niya lang iyon nahawakan agad ng mabuti.

"Kadiri ka! FYI, hindi ko bet ang mga kipay! Lalong-lalo na 'yang kipay mo! Hay naku, Sunset! Nakaka-hagard-o Versoza ka ng beauty ha?!"

"Kung ganon tell me, am I really that ugly? kaya ba paulit-ulit akong naloloko ng mga naging boyfriend ko dahil mataba ako?"

Bernie sighed, kinuha nito ang hawak niyang bote at inilagay iyon sa mesa sa harap nila. "Bestie, look. Unang-una, hindi ka pangit. Kulang ka lang sa ayos, a little make-over for sure, keri mo na makipagsabayan sa mga supermodel. Pangalawa, hindi ka mataba, you're a big boned woman with a voluptuous body! And what's wrong about being fat or chubby in the first place? Sadyang mga cheater lang talaga siguro yung mga naging ex-boyfriend mo kaya ka ipinagpalit sa iba."

Nagkaroon na kasi siya ng tatlong ex. Lahat ng mga iyon ipinagpalit siya sa mga babaeng mas payat at sexy sa kanya.

The first one, noong college student pa lang siya. Tumagal pa sila ng isang taon bago niya nalaman na timer pala ang gago. Kada course ata sa university nila may girlfriend ang lalaki, hustler pa sa pagtatago.

The next one, noong graduating students na sila ni Bernie. Nakilala niya noong nasa internship sila. Nalaman na lang niya na may ka-live-in partner na pala ang lalaki kung hindi lang nahuli ni Bernie. Madali naman siyang naka-move-on, dahil na rin siguro halos limang buwan lang ang tinagal ng relasyon nila.

And the recent one, si Jiggy. Bank manager ito sa bangko na pinapasukan nila ni Bernie. She thought that he's the one, halos isang taon din kasi siya niligawan nito bago nagong sila. Ito rin ang pinakamatagal sa lahat ng nakarelasyon niya. But she's wrong.

She caught them on the act, nakikipag-sex ito sa condo unit nito kasama ang isa sa mga itinuturing niyang 'kaibigan' sa bangko na pinagta-trabaho-han niya. And what her ex-boyfriend tell to her nang tinanong niya kung bakit ito nag-cheat? Dahil lang naman sa sex. Just because she doesn't want to have sex with him, nagpakasasa na ito sa kandungan ng ibang babae na mas payat at sexy sa kanya.

At ang mga walanghiya, ginawa ring excuse ang pagiging malaman niya kaya raw nag-cheat ang mga ito sa kanya. Because she's fat! Those jerks!

"Tama lang ang ginawa mo bestie, buti na lang at hindi mo isinuko ang Bataan mo sa Jiggy na 'yun. Cheer up! May ibang guy dyan na mas deserve mo!"

Nagsalin siya ulit ng alak sa baso niya at diretso ulit na tinungga iyon. Gumuhit ang init ng alak sa lalamunan niya.

"What's your plan, bestie?"

Roopretelcham Where stories live. Discover now