29

13.3K 325 33
                                    

"HINDI pa rin ba kayo ayos ng mga apo ko?"

Sunset caught off guard. Inaasahan na talaga niya na itatanong iyon ng matanda sa kanya pero iba pa rin pala yung dating kapag nanggaling na mismo sa bibig nito. "H-hindi pa ho.."

"Nai-kwento sa akin nina Leon at Falcon na dito raw sana sa garden na'to balak ikasal. Look, mas pinadamihan nila ang mga tanim na bulaklak."

"W-we decided to be called off the wedding, Sir."

"For a while. That's what my grandchildren said."

Malungkot na ngumiti ang matanda. Huminga ito nang malalim, saka ibinalik ang tingin sa mga bulaklak na nasa harap nila. "You know what hija, there's a myth in our family. Do you want to know what is it?"

Sunset slowly nodded.

"There's a myth that our family was cursed. Sinasabi, na lahat daw ng mga babaeng mapapangasawa ng mga lalaki sa angkan namin, may mangyayaring masama sa kanila o kaya maagang mamamatay. Walang makapagsabi kung kanino nagmula ang myth na iyon but guess what? It really happened to us.

Namatay sa cancer ang ina ko noong pitong taong gulang pa lang ako, ang asawa ko naman, bigla na lang naglaho ng parang bula matapos siya ma-kidnapped ng mga kalaban ko noon sa negosyo. The kidnappers said that my wife died, pero hindi ako naniwala dahil wala namang nakitang bangkay niya. Kaya ngayon umaasa pa rin ako na buhay pa rin siya..."

"I'm...I'm sorry po..."

Mapait na ngumiti ang matanda, "Nagpatuloy ang sumpa na iyon hanggang sa asawa ng anak kong si Redentor, ang ina nina Leon at Falcon. Namatay siya sa panganganak sa dalawang apo ko. Kaya hindi ko masisisi ang dalawang iyon nang lumaki silang walang interes sa babae, baka siguro natatakot sila na mangyari rin sa babaeng mamahalin nila ang nangyari sa ina nila, idagdag pa doon ang myth about curse on our family, but I was wrong. They met you, hija. And you made them change their perspective.

Nang mamatay ang mga magulang mo dahil sa anak kong si Redentor, at nang malaman namin na may tatlong anak na babaeng naulila ang mag-asawa, hindi nagdalawang-isip sina Leon at Falcon na tulungan kayo, lalo ka na nang malaman nila na working student ka hija. I thought they just pity you, and they're just guilty of what their father did to your parents but again, I was wrong, hija. Dahil simula nang kuhanin ko sila mula sa poder na ama nila, noon ko lang ulit sila nakitang masaya. Everytime that we're having a conversation in a middle of our dinner, hindi pwedeng hindi ka nila mababanggit sa akin."

A tear rolled down from her eyes.

"Ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ng anak ko sa mga magulang mo pero sana, hija, pero sana huwag mong idamay ang mga apo ko kung may galit ka mang nararamdaman para kay Redentor. Leon and Falcon love you so much. Hindi ko sinasabi lahat ng ito sa'yo hindi dahil sinusumbatan kita, I'm telling you all of these because I want you to know kung saan sila nanggagaling, kung bakit sila naglihim sa'yo."

"H-hindi naman po ako galit sa mga apo Sir dahil doon, nagalit po ako dahil naglihim sila sa akin. They should've just told me from the very start but what they did? Nagpatuloy pa po sila sa paglilihim sa akin. Secrets and lies destroyed everything. Hindi nyo naman po ako masisisi nang maramdaman ko iyon kasi pakiramdam ko napaglaruan ho ako." To the point na bumalik na naman ang trust issues niya dahil doon.

"I understand hija. But I can assure you that my grandchildren love you so much, to the point that they're making stupid things just for you, to keep you safe."

Well, some people believe to the saying that 'what you don't know won't hurt you', pero para kay Sunset, mas okay na yung sa umpisa pa lang nasaktan na siya dahil sa mga nalaman niya. Hindi yung kung kelan akala niya, ayos na ang lahat saka pa siya masasaktan.

Roopretelcham Where stories live. Discover now