22

14.5K 393 51
                                    

"BAKIT ikaw ang nagdala nito? Nasaan si Mrs. Ching?" tanong ni Sunset sa assistant manager ng Marketing department nang iabot nito sa kanya ang ilang folders na naglalaman ng monthly report ng sales ng mga products ng company.

"Eh Miss Sunset, ang alam ko ho, nag-file ng vacation leave si Mrs. Ching. Magpapahinga muna raw siya temporarily habang nagpapa therapy." sagot ng assistant manager sa kanya.

"Therapy?"

Tumango ito, "May PCOS ho kasi Mrs. Ching, ma'am. Kaya ho nahihirapan sila magkaanak ng asawa niya. So nagdecide ho siya na mag leave muna habang nag-a undergo siya sa therapy, iwas stress na rin ho sa trabaho. Nag-iyakan nga ho kami sa department noong nagpaalam siya sa amin pansamantala."

Natigilan si Sunset. Alam niyang hindi naman siya dapat kabahan pero kinabahan pa rin siya sa hindi malaman na dahilan. Pumasok rin na naman sa isip niya ang pagkakaroon ng anak. Ipinilig niya ang ulo at pilit inalis sa isip niya ang mga namumuong pagkabahala.

"Pasensya na ho ma'am, masyado na ho ata akong madaldal."

Nginitian niya ang babae, "That was nothing." ayos nga iyon at may iba siyang nakakausap sa trabaho maliban sa kambal.

"Eh kayo ma'am? Kelan kayo magpapakasal ni Sir Falcon?"

She was taken a back on her question. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang isasagot. "W-what?"

"Ah, mali ho ba? Si Sir Leon ho ba yung boyfriend niyo?" sa halip ka ma-offend, natawa pa siya, naaaliw kasi siya sa kadaldalan at pang-i-intriga ng babae."Hmm, siguro ma'am kapag nagkaanak kayo, magaganda at guwapo. Parehas kasing maganda ang genes niyo ni Sir. Ilan ho ba ang plano niyong maging anak?"

Kung dati ay natatakot siya sa iisipin ng ibang tao tungkol sa kanya at sa relasyon niya kina Leon at Falcon, ngayon ay balewala na lang iyon sa kanya, kahit pa hindi nila masyado inilalantad sa public ang relasyon nilang tatlo. They want it that way. Mas private ang relationship nila, mas okay.

Pero hindi rin naman nila maiiwasan na pag-usapan sila ng mga empleyado sa Forsythe.

Sunset was about to talk when Leon got out from his office. Nahihintakutan namang nagpaalam sa kanya ang assistant manager ng marketing department saka ito dali-dali umalis. Nakangiting napailing na lang siya habang tinatanaw ang babae. Marami talagang employees sa Forsythe ang takot kay Leon.

"What's that?" salubong ang mga kilay na tanong ng lalaki saka nito sinulyapan ang kasasara palang na pinto ng elevator.

"'Yung assistant manager ng Marketing department, inihatid lang itong mga sales reports."

Leon nodded, kinuha nito ang mga folders na nasa mesa niya, "C'mon, let's get inside my office. Nag-order na ako ng lunch natin." yakag ng lalaki sabay hawak sa kamay niya.

"Si Falcon?"

Sinulyapan ni Leon ang wristwatch nitong suot, "It's almost twelve o'clock, susunod na rin yun."

Umupo siya sa couch pagkapasok nila sa opisina ni Leon. Inilapag naman ng lalaki ang mga folders na hawak nito sa mesa bago tumabi sa kanya. "Honey..."

"Hmm?"

"Falcon said that you saw your ex a while ago and he tried to talk to you."

So Falcon tell Leon about what happened, "Si Jigs? oo. Nagkita kami accidentally sa coffee shop sa baba kanina bago ako pumasok dito sa office. Why? Is there any problem with that?"

"Nothing. I just don't want you to talk to him again."

"Ganyan din ang sinabi ni Falcon sa akin kanina."

Roopretelcham Where stories live. Discover now