21

14.7K 360 13
                                    

"ARE you alright, honey?"

Napalingon si Sunset kay Leon na nakaupo sa driver seat ng kotse. Bahagyang pinisil ng binata ang kamay niya. Nakabalik na sila sa Manila mula sa Polaris. Papunta naman sila sa ancestral house ng mga Forsythe dahil nga ipapakilala na siya ng kambal sa abuelo ng mga ito bilang girlfriend.

Kaya ayon siya, sobrang kinakabahan. Nanlalamig na nga ang mga kamay niya eh.

Pilit siyang ngumiti sa lalaki, "I'm..okay?" kahit siya hindi sigurado kung ayos lang ba talaga siya. Sobrang daming what ifs kasi ang naiisip niya. Paano kung hindi siya gusto ng Chairman para sa mga apo nito? Paano kung hindi naman talaga ito aprubado sa polyamorous relationship nila ni Leon at Falcon?

"Don't think too much, sweetie. Ako na ang nagsasabi sayo, our abuelo's like you." saad naman ni Falcon mula sa backseat ng sasakyan.

"You can't blame me, that's your grandfather that hired me to become your secretary, tapos ngayon girlfriend niyo na. Teka, nandoon na din ba ang parents niyo?" sa ilang buwan kasi na pagtatrabaho niya sa Forsythe at kasama niya ang dalawa, kahit kailan hindi pa nito nakwento o nabanggit man lang sa kanya ang tungkol sa mga magulang ng mga ito.

Napansin ni Sunset na napalis ang ngiti ng dalawang lalaki. Nagtaka tuloy siya, is there something wrong? May mali kaya siyang nasabi?

Falcon cleared his throat, "They're both gone, Sunny..."

Si Sunset naman ang natahimik. Oh God, she didn't know! "I'm sorry..." hinging paumanhin niya sa mga ito. They faintly smiled at her. Nanatiling tahimik ang biyahe nila hanggang sa makarating sila sa ancestral house ng mga ito.

"Thank you, Robert." kiming ngiting saad ni Sunset nang pagbuksan siya ng pinto ng kotse at salubungin sila ni Robert.

Ngumiti sa kanila ang lalaki, "Welcome back to Forsythe Chateau, Miss Lane." bumaling ito kina Leon at Falcon, "Don Emmanuel is waiting for you, nasa komedor na siya mga Sir."

"Let's get inside." yakag sa kanila ni Leon. Inilagay nito ang kamay sa likod niya habang naglalakad sila papasok ng mansion. Nasa kabilang gilid naman niya si Falcon at sinasabayan sila sa paglalakad.

Nakaupo si Chairman Forsythe sa kabisera nang makarating sila sa komedor. Nakahain naman ang iba't-ibang putahe ng pagkain sa mahabang mesa.

"We're here, 'Lo." Falcon cheerfuly said to his grandfather. Marahas namang napalunok si Sunset nang mapadako ang tingin sa kanya ng matanda. Seryoso kasi ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.

"G-good evening po." inabot niya kamay ng matanda na nakapatong sa mesa saka nag-bless.

"We know that you already know Sunset but we want to introduce her again to you as our girlfriend, 'Lo." ani Leon.

Bahagya pang napaatras si Sunset nang tumayo ang matanda, saka ito malawak na ngumiti. Nagulat pa siya nang bigla siya nitong niyakap. "I'm glad to see you again, hija." ani ng matanda.

Ipinaghila siya ng upuan ni Falcon saka naupo sa magkabilang gilid niya ang dalawa. Pinaglagyan naman siya ng pagkain ni Leon.

"Kumusta ang bakasyon niyo?" pagbubukas ng matanda sa usapan.

"It's fine, 'Lo. We had fun." maikling tugon ni Leon. Tumango-tango naman ang abuelo nito bago ito tumingin sa kanya.

"You know what hija? Hindi na ako nagulat nang ibalita nina Falcon at Leon sa akin na nobya ka na nila, alam ko naman kasi na matagal ka na nilang gusto."

"H-ho?"

Falcon cleared his throat, hindi naman napansin ni Sunset ang pagpapalitan ng tingin ni Leon sa abuelo nito. Chairman Forsythe smiled at her.

Roopretelcham Where stories live. Discover now