17

16.1K 400 32
                                    

NAGHAHAIN na ng hapunan si Sunset katulong ang kapatid na si Midnight nang biglang pumasok si Bernie sa kusina.

"Uy sakto pala ang pangangapit-bahay ko, ang daming pagkain ah, ano meron?" tanong ni Bernie. Kumuha naman si Midnight ng isa pang plato at pares ng kubyertos para sa kaibigan niya.

"Ang lakas talaga ng pang-amoy mo baks, tuwing kakain na lang kami bigla-bigla kang sumusulpot dito sa bahay." biro niya dito.

"Ay grabe siya oh," inirapan pa siya ni Bernie sabay kuha ng fried chicken na nasa mesa, exaggerated pa itong kumagat doon kaya lalo silang natawa ni Midnight. "Kidding aside, ano bang meron? Himala at ang dami mo atang inihandang dinner ngayon?"

"Well, nandito ka na rin lang naman, gusto ko lang ibalita sa inyo na..napili ako as a product endorser ng bagong wine na ilalabas ng company namin sa market.."

"Omo! Ibig sabihin, makikita ka namin sa commercial ads sa TV? Sa mga billboards?"

"Ahm..oo?"

Tumili si Bernie, saka pumalakpak. Malawak ang ngiting nakipalakpak na rin ang kapatid niya.

"Congratulations baks! Pero anyare? Akala ko pagiging secretary lang ang trabaho mo sa company niyo?"

Napilitan si Sunset na ikwento sa dalawa kung paano siya nakuha bilang product endorser. Katulad niya, parang hindi rin makapaniwala ang dalawa. Hindi naman niya masisisi ang mga ito. Ganoon din naman ang reaksyon niya matapos niya tanggapin ang offer na iyon sa kanya.

"Pero baks, sure na sure na sure ka na ba talaga dyan? Lalabas ka sa commercial ads, nationwide ang sakop ng magiging audience mo."

Huminga siya ng malalim, "Aaminin ko, kinakabahan ako, natatakot. Pero mas iniisip ko na way din iyon para ma-boost yung self-confidence ko. Na-realize ko rin kasi na, mali rin na palagi kong dina-downgrade yung sarili ko."

Maluha-luhang ngumiti si Bernie, tinapik siya nito sa balikat, "I'm so proud of you, Sunny."

"Thank you, Berns. Sobrang thankful ako sayo kasi isa ka sa mga taong hindi nagsawa na palakasin yung loob ko." nagyakapan silang magkaibigan. Nilapitan niya rin si Midnight at niyakap din ito, "At siyempre thank you rin sa'yo baby, kasi lagi kang nandyan para kay ate."

"Ikaw pa po ba ate?"

"Oh, siya. Tama na nga ang drama, kumain na tayo. Kanina pa ako nagugutom, mamaya, kukunin ko yung wine sa bahay. Magse-celebrate tayo." ani Bernie. Natatawang bumalik si Sunset sa upuan niya, nagsimula sila kumain.

Strange, pero sobrang gaan ng pakiramdam niya. Feeling niya, may natanggal na napakabigat na bagay sa dibdib niya na matagal nang nandoon.

Dumating ang araw ng photo shoot para sa print ads na ire-release para sa Fosythia wine. Susunduin dapat siya nila Falcon at Leon pero tumanggi na siya, sinabihan na lang niya ang mga ito na mauna sa studio kung saan gaganapin ang photo shoot. Kasama naman kasi niya si Bernie na nagpresinta pa na maging personal assistant niya kuno nang araw na 'yon. Moral support na rin daw.

"Oy baks, tandaan mo yung mga itinuro ko sayo ha? Just be natural." ani ni Bernie habang nagda-drive ng kotse ng kotse niya. Papunta na sila sa studio.

"Yes coach," pabirong sagot niya, pero deep inside kinakabahan talaga siya. Pinaghandaan naman niya ang araw na 'yon, bago siya pumasok sa office, maaga pa siyang gumigising para mag-exercise. Pagkauwi niya sa hapon, naglalakad-lakad ulit siya paikot sa village nila para magpapawis.

Ilang sandali pa, nakarating na sila sa studio kung saan gaganapin ang photo shoot. Nang mai-park ni Bernie ang kotse, inunahan siya nito bitbitin ang mga gamit niya, "Bawal ka ma-haggard baks, keri ko na 'to."

Roopretelcham Where stories live. Discover now