27

12.8K 321 7
                                    

NAKATULALA lang si Sunset sa bintana ng sasakyan niya habang papauwi sila ni Bernie galing ng ospital. Isang araw pa siya nag stay doon bago siya na-discharge. Katulad ng gusto niya, hindi na nga muna nagpakita sina Leon at Falcon sa kanya, pero ang mga ito naman ang nagbayad ng bills niya sa ospital. They're also still sending her a message, asking if she's okay and asking for her forgiveness.

"Berns, pwede mo bang itabi sandali itong sasakyan?" request niya sa kaibigan.

"Bakit? Is there something wrong? Nahihilo ka na naman ba?"

"No, bibili lang ako ng calamares, ayun oh." turo niya sa stall na nagtitinda sa gilid ng kalsada.

Itinabi ni Bernie ang sasakyan, "Ako na lang ang bibili."

"No, ako na." Bigla kasi siyang nag crave sa calamares, gusto niya rin na siya mismo ang magsasawsaw 'non sa suka. Para tuloy mas lalong nanubig ang bagang niya.

"Grabe ha, simula pa lang pero mukhang demanding na iyang inaanak ko." biro ni Bernie habang inaalalayan siya pababa ng kotse. Napangiti si Sunset, hinaplos niya ang tiyan. Kahit marami siyang iniisip ng mga sandaling iyon, hindi niya maikakaila ang happiness na hatid ng baby niya. Ang nakakalungkot lang, mukhang hindi pa ito kayang tanggapin ng mga daddy nito.

Basta, whatever happens, she will keep her baby.

"Bibili lang ako ng tubig." paalam sa kanya ni Bernie habang kumakain na siya ng calamares. She just nodded, sinundan pa niya ito ng tingin papaunta sa malapit na convenience store sa kabilang kalsada.

Abala siya sa pagkain ng calamares habang nakikipag-usap siya sa tindero nang biglang may tumabi sa kanya, she almost startled when she saw an old lady, at kung hindi siya nagkamamali ito rin yung matandang hinulaan siya. Nagbayad ito sa tindero saka tumuhog ng calamares.

She cleared her throat, "Manang, naaalala niyo ho ba ako? Ako yung—"

"Sabi ko naman sa'yo hija, pagkalito, agam-agam at takot, ipagsawalang-bahala mo ang mga emosyon na iyon. Piliin mo ang bagay na gusto mo at doon ka magiging masaya nang lubusan."

"H-ho?" She still remembered those lines! Ito rin yung huling sinabi nito noon sa kanya noong magkita sila!

Binitawan ng matanda ang hawak nitong stick. Inabot nito ang isang kamay niya at may inilagay na nakarolyong papel doon. Matapos kunin ang binili nitong calamares, umalis na ang matanda.

"Naku 'neng, huwag mo nang intindihin yun, medyo may problema kasi sa pag-iisip iyon si Rosalia." pukaw sa kanya ng tindero ng calamares.

"Kilala niyo rin ho 'yung matanda?"

"Aba'y oo, palagi kasi iyong pagala-gala dito. Minsan naman nakakausap iyon ng matino pero mas madalas na alam mo na.."

"Wala na ho ba siyang ibang kamag-anak?"

"Hindi ko rin alam 'neng eh. Nakikita ko lang kasi na pagala-gala 'yun dito sa kalsada."

Nang nilingon ulit ni Sunset ang nakaalis na matanda, nangunot ang noo niya nang hindi ito makita.

"Anyare sa'yo baks? Sinong tinatanaw mo dyan?" tanong sa kanya ni Bernie na hindi niya namalayan na nakabalik na pala. Inabot nito sa kanya ang isang bottled water.

"Nothing." nagtake out pa siya ng calamares bago sila umalis ni Bernie. Habang nasa kotse, puno ng kuryosidad na binuklat niya ang nakarolyong papel na ibinigay sa kanya ng matanda.

Roopretelcham

Roopretelcham? What's the meaning of that? Kinuha niya ang cellphone at isinearch ang salita na nakasulat sa papel.

Roopretelcham Where stories live. Discover now