18

16.6K 420 25
                                    

NAGING mas busy sina Sunset ng mga sumunod na araw. Matapos kasi ang pag shoot para sa commercial ad, tinulungan din niya sina Falcon at Leon sa launching ng latest product ng Forsythe. Ilang ulit na nga siyang sinabihan ng dalawa na huwag na siyang tumulong pero hindi siya pumayag. It's still her job as their secretary.

Para rin siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang maging successful ang launching. Mataas din ang sales ng product sa mga sumunod na linggo simula nang ma-release iyon sa public.

"Sunny,"

Mula sa panonood kay Falcon na minamasahe ang paa mga niyang nasa ibabaw ng kandungan nito habang nakaupo sa dulo ng couch kung saan siya nakaupo, tumingin siya kay Leon.

"What? Magpapa-deliver na ba ako ng lunch natin? wait-"

"Gusto mo bang magbakasyon?"

Natigilang siya sa akmang pag-ayos ng upo, "Bakasyon?"

Tumango si Leon, "Yes, one week vacation with us."

"We've been so busy these past few weeks, especially you. Kaya naisip namin na bakit hindi tayo magbakasyon to relax a little bit?" saad naman ni Falcon na mukhang alam na ang plano ni Leon, o plano nilang dalawa rather.

"A-ayos lang ba 'yun? Paano itong company niyo? Sino ang mag-aasikaso kapag wala tayo? Kapag wala ako?" kapag naman kasi wala ang mga boss sa isang company, secretary lagi ang tagasalo ng ilang maiiwang gawain ng mga amo nila, except na lang doon sa mga gawain na ang boss dapat talaga ang gumagawa.

"Don't worry about that. Kami na ang bahala, so ano? payag ka na?" sagot ni Falcon sa kanya. Napaisip si Sunset, sabagay, masyado nga ring hectic ang mga schedules nila nitong mga nakaraang linggo. Sinabayan pa ng mga paper works. Maybe a short vacation won't hurt.

"Okay," she agreed.

Inayos na nila ang ilang mga gawain sa office na kailangan gawin ng mga sumunod na araw. Ibinilin naman niya si Midnight kay Bernie. Kahit gusto man niya isama ang kapatid, hindi pwede dahil may pasok ito sa school.

"Middi yung bilin ko ha? I-lock ng mabuti ang mga bintana at pinto. Kapag may kailangan ka, tawagan mo ako agad o kaya si kuya Bernie." bilin niya sa kapatid habang papalabas siya ng bahay, nasa labas na kasi ang sasakyan ni Falcon para sunduin siya.

"Yes po ate, i-enjoy niyo na lang po yung vacation mo kasama sina kuya Leon at kuya Falcon."

Matapos magpaalam sa kapatid, sumakay na siya sa kotse ni Falcon. Dumiretso sila sa airport. Sakay ng private plane, bumyahe sila pa-Norte. Hindi naman sinabi ng dalawa sa kanya kung saan sila pupunta kahit anong pilit niya, surprise raw kaya hinayaan na niya. Pagkababa nila sa eroplano matapos ang ilang oras na biyahe, lumipat naman sila ng helicopter papunta sa isang isla.

Hindi magkamayaw si Sunset sa pagtingin sa napakagandang view sa paligid. It was like a paradise.

Inalalayan siya makababa si Falcon sa helicopter nang makababa iyon sa helipad, sinalubong din sila ng ilang mga lalaki nang makababa sila, kinuha nito ang mga gamit nila papunta sa isang sa isang station. More like a reception slash security area. Matapos ma-confirm ang identity nina Falcon at Leon ng receptionist, kinuha ng ilang tauhan ng isla ang cellphone at iba pang gadgets nila. Ibabalik naman daw iyon kapag aalis na sila ng isla. Nanghinayang tuloy siya na hindi siya makapagpa picture sa lugar.

Pinadaan din sila sa detector para i-check kung may tinatago pa silang gadgets, even their luggage pinadaan sa x-ray detector. Now she's curious kung bakit sobrang higpit ng security sa isla na 'yon. Nang ma-clear sila sa reception area, isinakay ng ilang tauhan sa isla ang mga luggage nila sa golf cart.

Roopretelcham Where stories live. Discover now