28

13K 329 5
                                    

PILIT pinakalma ni Sunset ang sarili kasabay ng patuloy na pagdaloy ng mga luha sa mga mata niya. "P-pasensya na kung sa'yo ako nagsasabi ng problema."

Kiming ngumiti si Ana sa kanya, "Ayos lang," she paused, "Alam mo, tao lang tayo, normal sa atin na makaramdam ng mga emosyon tungkol sa iba't-ibang bagay o sitwasyon. Normal lang din sa atin ang sobrang masaktan, lalo na at mga taong mahal mo ang nakasakit sa'yo. Pero sa tingin ko kahit gaano pa kalaki ang kasalanan nila sa atin, hindi dapat natin malimutan na magpatawad, hindi man ngayon, pero siguro sa tamang panahon. Kasi doon lang natin maa-achieved yung kapayapaan sa puso nito. Doon tayo tuluyang magiging masaya."

"Sa tingin mo?"

Tumango ito, "Oo naman!" Ana happily said. Hindi na tuloy napigilan ni Sunset ang mapangiti, nakakahawa kasi ang ngiti ng babae. Marahang inabot ni Ana ang kamay niya, pinisil iyon. "'Yung tungkol naman sa sinabi mo na pinagdududahan mo yung mga taong mahal mo..ni minsan ba, o may mga sandali ba na naramdaman mo na hindi ka talaga nila mahal?"

Unti-unting napalis ang ngiti sa mga labi ni Sunset. Natigilan siya sa tanong na iyon sa kanya ni Ana. Kinapa niya ang nararamdaman, itinanong niya sa sarili ang tanong sa kanya ni Ana. Ni minsan ba, naramdaman niya na hindi siya mahal nina Leon at Falcon?

Hindi nakasagot si Sunset sa tanong ni Ana, lalo na nang mapagtanto niya ang sagot. And she also feel..guilty.

Nanatili pa si Sunset doon sa simbahan habang kausap niya pa rin si Ana, hanggang sa hindi na niya namalayan ang oras.

"Oh, dapit-hapon na pala. Hindi ka pa ba hahanapin sa inyo?" tanong sa kanya ni Ana matapos nito sumulyap sa labas ng simbahan.

"Right, hindi ko namalayan ang oras. I think I should go."

Tumango si Ana, "Mabuti pa nga. Sabay na tayo lumabas, uuwi na rin ako."

"Hindi ka rito sa simbahan nakatira?" tanong niya sa babae habang palabas sila ng simbahan.

"Hindi. Sa isang orphanage ako tumutuloy ngayon."

"Salamat pala sa pakikinig at pagsama mo sa akin, mukhang nakaabala pa ako sa'yo."

"Wala iyon, Sunset. Masaya nga ako at kahit papaano mukhang napagaan ko ang loob mo."

"Maraming salamat talaga—"

"Sunny!"

"Sunset!"

Nagulat na lang si Sunset nang may dalawang pares ng mga braso na yumakap sa kanya. Leon and Falcon familiar scent assaulted her nostrils.

"God! We thought something happened to you!" nag-aalalang ani ni Leon nang humiwalay ang mga ito ng yakap sa kanya.

She heard Ana cleared her throat, "Ahm, mauna na ako sa inyo Sunset. It's so nice to meet you." nakangiting saad ni Ana saka ito nagpatuloy sa paglalakad paalis. Wala siyang nagawa kundi ihatid lang ito ng tingin.

"How did you know where am I?" tanong niya sa dalawa. Nagpatuloy na rin siya sa paglalakad paalis sa lugar na iyon. Nakasunod naman sa kanya ang dalawa.

"Your sister, Dawn, contact us. Sinabi niya na hindi ka pa raw umuuwi. We're so worried about you." sagot ni Falcon. Saka niya naalala ang mga gamit niya na naiwan sa kotse, naalala niyang nandoon sa loob ng bag niya ang cellphone niya. Siguro ay kanina pa siya tinatawagan ni Dawn dahil sa pag-aalala.

"Sa kotse ko na ikaw sumakay, ihahatid ka na namin pauwi." ani naman ni Leon.

"How about my car?"

"Ipapakuha ko na lang sa tauhan namin Sunny, baka kasi makasama pa sa'yo kapag nag drive ka nang matagal. Kunin mo na lang muna yung mga gamit mo sa kotse mo." si Falcon.

Roopretelcham Where stories live. Discover now