07

18.6K 566 124
                                    

SUNSET cleared her throat. Napaangat naman ng tingin sa kanya si Leon. Isinara niya ang pinto ng opisina nito saka lumapit sa mesa ng lalaki kipkip ang planner niya. Hindi niya maiwasang hindi kabahan, ibang-iba kasi ang aura nito sa kapatid nito. Kung si Falcon ay may pagka-friendly ang vibe, kabaligtaran naman iyon ni Leon. Tingin pa lang nito, nakaka-intimidate na.

"G-good morning, Sir." bati niya ulit sa lalaki.

"May meeting kami mamayang alas nueve ng umaga, make some power point for our topic later." iniabot nito sa kanya ang isang folder, "Nandyan na yung mga kailangan mong gawan ng power point."

"Okay po Sir," inabot niya rin sa lalaki ang kopya ng schedule nito katulad ng ibinigay niya kay Falcon, "That's your schedule pala for today, Sir."

"Thanks." sagot nito. Tumalikod na siya at lalabas na sana ng office nito nang muli siyang tawagin ng lalaki, napahinto tuloy siya sa paglalakad. "Kunin mo na lang ang laptop na ginagamit mo Miss Lane, dito ka na sa loob ng office ko gumawa ng power point. Naalala ko, there's some things that I need to put on that ppt na wala dyan sa folder na ibinigay ko."

"Y-yes Sir." lumabas siya sandali sa opisina ng lalaki, wala pa rin si Miss Linda sa mesa nila kaya nag-iwan na lang siya ng note para dito na isinulat niya sa sticky note. Bitbit ang laptop at kape na ibinigay ni Falcon, bumalik ulit siya sa loob ng opisina ni Leon.

Inilapag niya ang mga bitbit sa glass table saka siya pumwesto sa couch. Inumpisahan na niya ang pinapagawa ng lalaki.

Malapit na siya makakalahati sa power point na gingawa niya nang maalalang may iba pa palang info na ipapalagay doon si Leon. "Excuse me Sir," pukaw niya sa lalaki. Kunot-noong nag-angat naman ito sa kanya ng tingin, "'Yung ipapalagay niyo po kasing info sa ppt.."

Walang salitang tumayo ang lalaki mula sa kinauupuan nito. Mahina siyang napasinghap nang sa halip na sa tabi niya, sa likod niya pumwesto ang lalaki. Dumukwang ito para maabot ang laptop. Halos hindi siya makagalaw nang ilang hibla na lang ang layo ng mukha nito sa kanya.

Napalunok pa si Sunset nang maamoy ang mabangong pabango ni Leon. And that smell suited to him so much, na para bang ginawa ang pabango na iyon para lang dito.

Damn. That was so bad.

What the hell is she doing?! Ano ba ang pinag-iisip niya?! Kinastigo ni Sunset ang sarili. Pasimple rin siyang lumayo sa lalaki. Naupo naman si Leon sa tabi niya at nagsimulang mag-type sa laptop. Nagmukhang maliit ang couch na inuupuan nila dahil malaking lalaki ito like Falcon.

Sinulyapan niya ang boss habang nakaharap ito sa laptop niya. And she had to admit, napakagwapo rin nito sa malapitan, plus his oozing sex-appeal. Magmumukhang patatas ang mga ex niya kapag itinabi sa lalaki pati na rin sa kapatid nito.

Iniwas niya ang tingin kay Leon nang mapansin na nakatitig na pala siya sa lalaki. Nakakahiya kapag nahuli siya nitong tinititigan ito. Iginala na lang niya ang tingin sa opisina nito. Napansin niya na bago ang interior design ng paligid simula noong una siyang makapasok doon. Minimalist din ang style. Kasinglaki lang din iyon ng opisina ni Falcon, parehas lang din ng color theme na naglalaro sa white, black at gray. Ang pinagkaiba lang ang interior design.

Nang ibalik ni Sunset ang tingin kay Leon, halos manlaki ang mga mata niya nang makita niyang iniinom nito ang kape niya.

"S-sir, that's my coffee po..." alanganing saad niya sa lalaki. Nakakahiya! Nainuman na pa naman niya iyon!

Walang-emosyon itong tumingin sa cup ng kape na hawak nito saka ito tumingin sa kanya, "Sorry, papalitan ko na lang." parang baliwala pang sagot nito sa kanya. Bitbit ang kape niya, tumayo na ang lalaki, "I'm done, pakitapos na lang iyang power point, Miss Lane." bumalik na ito sa mesa nito na parang walang nangyari.

Roopretelcham Where stories live. Discover now