e : Leon

16.4K 407 26
                                    

HABANG lumalaki si Leon at ang kakambal niyang si Falcon, walang araw na hindi ipinamukha sa kanila ng ama na kasalanan nila kung bakit namatay ang mommy nila. Hanggang sa umabot na sa pisikal na pananakit ang ginagawa nito sa kanilang magkapatid. They had a trauma. Naging sandalan nila ng kapatid ang isa't-isa. Natigil lang iyon nang kuhanin sila ng lolo Mauricio nila mula sa poder ng ama.

Hanggang sa isang araw, mabalitaan na lang nila na namatay ang ama nila dahil sa isang aksidente. Drunk driving, ang mas nakakalungkot pa, may ibang mga taong nadamay at namatay din dahil sa aksidente.

"May tatlong anak na babae ho yung mag-asawa na namatay sa aksidente, Sir." paliwanag sa kanila ng abogado. Napadako ang tingin ni Leon sa picture na nasa mesa. There's three women in the picture, pero mas napukaw ang pansin niya ng isang babae. Mukhang ito ang panganay sa tatlong magkakapatid. She has a beautiful smile. Umabot ang masayang ngiti nito hanggang sa mga mata nito.

Now he's wondering, makakangiti pa kaya ng ganoon ang babae dahil sa sinapit ng mga magulang nito? He felt guilty.

Nagdesisyon sila ni Falcon na alamin ang mga bagay tungkol sa magkakapatid. Napag-alaman nila na simula nang mamatay ang mga magulang na magkakapatid na Lane, napilitang mag working student ang panganay na si Sunset para matustusan ang pag-aaral nito at ng mga kapatid. Hanggang sa palihim na nilang tinutulungan ni Falcon si Sunset.

Sa tulong ng abuelo nila, nabigyan si Sunset scholarship sa La Croix University. Natanggap naman agad ang babae lalo na at mataas ang mga grades nito at pasok talaga ang katulad nitong working student sa scholarship program ng university. Palihim din silang naglalagay ni Falcon ng gift certificates sa mailbox ng bahay nito. Palihim din nilang kinausap at binayaran ang may-ari ng convenience store na pinagta-trabahuhan ni Sunset para dagdagan ang sweldo ng babae.

At habang tumatagal, palalim na rin ng palalim ang nararamdaman niya para kay Sunset. He thought, he was just guilty at naaawa lang siya sa babae pero hindi. Natagpuan na lang niya ang sarili na humahanga dito, parang hindi na rin nabubuo ang araw niya kapag hindi ito nakikita.

"Damn that fvcker, how dare he?! He made Sunset cried!" gigil na saad ni Falcon habang nakatingin sila kay Sunset na umiiyak habang nakaupo sa bench. Kasama nito ang kaibigan nitong si Bernie.

They learned that Sunset's boyfriend cheated on her. Kaya bilang ganti, pinabugbog nila sa mga tauhan nila ang lalaki. Hindi naman nila masyadong pinuruhan, tinuruan lang nila ng leksyon.

Nang kinailangan nilang magpunta ni Falcon sa ibang bansa para kumuha ng master degree, nagpatuloy pa rin sila sa pagtulong at pakikibalita sa buhay ni Sunset. Hindi nagtagal, nakagraduate na sa college si Sunset, with Latin honors. He's beyond proud of her. Nang makitang nasa maayos na kalagayan na ang dalaga at may maayos na itong trabaho, tinigilan na nila ni Falcon ang lihim na pagtulong sa dalaga.

Leon tried to divert his attention to his business with Falcon. Sinubukan din niya kalimutan ang nararamdaman para kay Sunset. Bumili sila ng property at pinatayuan iyon ng night club. Nakisabay sila sa liberated na pamumuhay ng mga tao sa New York. Nagpa-tattoo pa sila ni Falcon. Leon even experience to have sex while sharing his partner to Falcon. They're fvcking a woman at the same time.

Hanggang sa tinawagan sila ng abuelo nila, gusto na nitong i-take over ang pamamahala ng kompanya nito sa Pilipinas sa kanila. At dahil matanda na rin ang abuelo nila, walang pagdadalawang isip na pumayag sila ni Falcon.

"Sunset..." usal ni Leon habang nakatingin sa bar counter sa Dionysus. A few years passed but she's still stunning, parang mas lalo pa nga itong gumanda paningin niya.

"Wait bro, is that Sunset Lane?" tanong sa kanya ni Falcon na nakatingin na rin pala kay Sunset.

"Yes." diretso niyang ininom ang alak na nasa baso niya. Hindi nila inalis ni Falcon ang tingin sa babae. They're like a predator that waiting to attack their prey. Bumaba na sila mula sa second-floor ng Dionysus nang makitang nagpaalam ang kaibigan ni Sunset sa babae.

Roopretelcham जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें