24

13.9K 384 24
                                    

"SWEETIE, I would like you to meet Gomer Fontanilla, he's going to be our wedding coordinator."

Nakangiting tinanggap ni Sunset ang nakalahad na kamay ng lalaki na ipinakilala nila Falcon sa kanya.

"I'm so happy to meet you, soon to be Mrs. Forsythe." masayang saad ni Gomer sa kanya. Kung hindi pa sinabi sa kanya noon nila Leon na bakla si Gomer, aakalain niya na straight itong lalaki. She can't deny that he's good looking, lalaking-lalaki rin ito magsalita at kumilos.

"Let's take a sit." ani naman ni Leon. Naupo sa magkabilang gilid ni Sunset ang kambal habang nakaupo sa tapat nila si Gomer.

"Nakapili na ba kayo kung anong klaseng wedding ang gusto niyo?" paunang tanong sa kanila ni Gomer habang nagsusulat ito sa planner nito. Nang sulyapan ni Sunset ang magkapatid, parehas itong nakatingin sa kanya na parang hinihintay siya magsalita.

"Ikaw na ang pumili, sweetheart." pag-e encourage sa kanya ni Falcon. Tumango naman si Leon bilang pag-sang-ayon.

"Ahm—" she cleared her throat, "I think...I want a garden wedding."

"Hmm, garden wedding. I like it." Leon commented.

"May napili ka na bang lugar kung saan pwede gawin yung kasal niyo? I can suggest some places if you want." si Gomer.

Nakangiti si Sunset na umiling, "Gusto ko sana na doon na lang sa garden sa ancestral house ng mga Forsythe..kung ayos lang." malaki at malawak ang lugar na iyon at isa pa, maganda. When she saw that place for the first time, nangarap siya agad na gusto niya ang isang garden wedding kapag ikinasal siya.

"Of course, honey. Pwedeng-pwede." ani Leon.

"I'm sure Abuelo will love it," Falcon said.

Marami pa silang napag-usapan nila Gomer. She can say that he's really good on his work. Marami itong suggestions kapag nahihirapan sila mamili ng kung anu-anong kakailanganin sa kasal nila.

"Maaga pa naman, what if, tumingin na tayo ng wedding gown mo? Or maybe do you want it personalized? I know some international wedding gown designers."

Muntik pang masamid si Sunset sa iniinom niyang juice dahil sa sinabi ni Falcon nang makaalis si Gomer. Nandoon pa sila sa office ni Leon.

"Kahit sa mga local designers na lang ayos na." Grabe naman, international talaga?

Inabot ni Leon ang kamay niya, he laced his fingers to hers, pinisil din nito ang palad niya, "We just want a best for you, Sunny."

"I know. Pero marami rin naman na mga talented designers dito sa Pinas. At isa pa, kahit simpleng wedding gown lang naman ayos na sa akin."

Leon chuckled and peck on her lips, "You win."

Magsasalita pa dapat si Falcon nang mag-ring bigla ang cellphone nito. Kunot-noong tinignan nito ang screen ng cellphone nito saka nag-angat ng tingin kay Leon. Parang nag-usap pa ang dalawa gamit ang tingin. "Excuse me, I'll just take this call." ani Falcon saka ito lumabas ng office ni Leon.

Sinundan niya nang tingin si Falcon palabas ng silid.

"Sino kaya yung kausap niya?" tanong niya kay Leon. Tumawa naman ang lalaki at niyakap siya. Ipinatong nito ang baba sa balikat niya.

"It's just some client, hon."

"Client? Eh bakit kailangan pa niyang lumabas nitong office mo para lang sagutin yung tawag?"

"Are you jealous?"

Siniko niya si Leon sa tiyan na tinawanan lang nito. Hindi naman siya nagseselos o nag-aalala na baka ibang babae ang tumawag kay Falcon. Nag-aalala lang siya na baka galing na naman ang tawag na iyon mula sa clinic ng doktor na aksidenteng nakausap niya noong nakaraan.

Roopretelcham Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz