12

19.3K 524 49
                                    

HINDI alam ni Sunset pero parang nakahinga siya nang maluwag nang makita si Falcon na nakatayo hindi kalayuan sa kanila ni Jigs. Malalaki ang mga hakbang na lumapit sa kanila ang lalaki, ito na rin mismo ang nagtanggal ng kamay ni Jigs sa braso niya. Pinagsalikop ni Falcon ang kamay nila matapos siya nito hilahin papunta sa likod nito.

"Sino siya Sunset, ha? Siya ba yung pinalit mo sa akin?" nagtitimpi sa galit na tanong sa kanya ni Jiggy. Hindi siya sumagot, pagak na tumawa ang lalaki, "Kaya pala ang lakas ng loob mo na hindi na makipagbalikan sa akin, may iba ka na pala."

"Ano naman sa'yo?" malamig na sagot ni Falcon sa gagong ex niya. Bahagya niyang hinila ang braso ng binata.

"S-sir Falcon, let's get out—"

"Alam mo Sunset, iiwan ka rin niyang lalaki mo, yung mga itsurang ganyan," dinuro pa ni Jiggy si Falcon, "Mas preferred nila yung mga petite at sexy na babae. Iilan na lang kaming nagta-tiyaga sa mga matataba na katulad mo."

After hearing what her ex said, it feels like all her insecurities attacking her again. Para siyang biglang nanliit sa sarili niya. She felt so anxious. Hindi rin niya napigilan ang manginig.

"You're wrong."

Maluha-luha ang mga mata ni Sunset nang magsalita si Falcon. Sinubukan niyang hilahin ang kamay na hawak ng lalaki pero mas lalo lang hinigpitan ng binata ang kapit nito sa kamay niya.

"Because unlike you, hindi ko pinagti-tiyagaan si Sunset. At alam mo kung bakit kahit anong gawin at sabihin mo hindi na babalik sayo si Sunset?" sumilay ang mapang-asar na ngisi sa labi ni Falcon, "Because she's already mine and it will stay in that way."

Hinila na siya paalis doon ni Falcon pagkatapos nito iyon sabihin kay Jiggy. Narinig naman niyang sumigaw ang ex niya.

"You will see, Sunset! Iiwan ka rin ng gagong yan! Babalik ka rin sakin!"

"Don't look back." Falcon said, kinuha nito ang dala niya habang hila siya nito. Sinubukan niya ulit bawiin ang kamay mula sa lalaki nang makapasok sila sa Forsythe building dahil pinagtitinginan na sila ng ibang empleyado pero hindi siya hinayaan nito. Simula nang sumakay sila sa private lift hanggang makarating sila sa office floor nito, hindi pa rin nito binitawan ang kamay niya.

Diretso silang pumasok sa opisina ni Leon, nagsalubong pa ang kilay ng lalaki dahil sa biglang pagpasok nila nang walang paalam, pinaupo siya ni Falcon sa couch saka nito inilapag ang binili niyang lunch sa center table. She was surprised when he kneeled infront of her.

"Are you alright, Sunny?" malambing na tanong ng binata. Napalitan na ng pag-aalala ang malamig na aura nito.

"What happened?" tanong naman ni Leon na nakalapit na pala sa kanila. Naupo pa ito sa tabi niya.

"I'm..I'm okay mga Sir, salamat ho sa concern." akmang tatayo siya nang maagap na napigilan siya ni Falcon.

"You're not okay." matigas na saad nito. Nakipaglaban siya ng titig sa lalaki, hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili na mapaiyak. Isinubsob niya ang luhaang mukha sa dalawang palad. She really hated herself for being that weak.

Hindi na naman niya mahal si Jiggy, pero yung sinabi nito kanina at mga ginawa ng mga naging ex niya sa kanya noon, iyon ang nag-iwan ng malalim na sugat sa pagkatao niya. She felt like she's loose her self-confidence again na matagal na panahon na niyang pinipilit buuin.

Hindi na niya alam kung anong pumasok sa utak niya at pati ang wine na nasa shelf ng office ni Leon ay ininom pa niya. She must be getting insane. Hinayaan lang siya ng dalawang lalaki. Maybe they knew that she needed that.

"That's enough, Miss Lane. Marami ka nang nainom." awat sa kanya ni Leon. Akmang kukunin nito ang bote ng wine na hawak niya pero maagap niya iyong naiiwas.

Roopretelcham Where stories live. Discover now