10

18.5K 489 29
                                    

NAGING normal ulit ang takbo ng araw ni Sunset sa mga sumunod na araw. Nakatulong din kasi kahit papaano yung confrontation na ginawa niya kay Leon para hindi siya mag-overthink. Siguro nga nag wet dreams lang siya nang gabing iyon, nakakahiya at isa pa sa mga boss niya ang nakaeksena niya sa panaginip niya. She heaves a deep sigh.

Abala siya sa pagtitimpla ng kape para sa mga boss niya sa pantry nang biglang sumulpot si Falcon. Napaigtad pa siya sa gulat nang magsalita ang lalaki mula sa likod niya.

"Sunset."

"S-sir! Inihahanda ko na ho yung kape niyo, sandali na lang ho." anya sa lalaki habang isinasalin sa mga mug ang kape na tinimpla niya sa coffe maker. She heard him chuckled.

"Relax, hindi naman iyan ang pinunta ko dito," nakapamulsa na sumandal ang lalaki sa counter habang nakaharap sa kanya.

"Ano ba 'yun Sir? May ipag-uutos ka ba?"

"Nothing. Gusto lang sana kita yayain sa Saturday? Gusto ko ikaw ang date ko sa annual party ng company."

Si Sunset naman ang natawa, "May trabaho pa rin ako sa araw na 'yun, Sir. Tutulong daw kami ni Miss Linda sa pag-assist ng mga guest."

"What? Akala ko ba may nakausap na kayong organizers?" kunot-noong tanong nito.

"Meron na nga Sir, kaya lang, mas maganda pa rin kung nandoon kami ni Miss Linda since masyadong maraming bigating tao yung mga magiging bisita niyo."

She startles again when Falcon suddenly wrapped his arms on her waist. Buti na lang at binitawan niya yung mug na kape kundi ay baka napaso na siya. Sa halos isang buwan niyang pagta-trabaho sa mga Forsythe, napansin niya ang minsang pagiging touchy ni Falcon sa kanya. Hindi naman siya nababastusan dahil unang-una, hindi naman ipinaparamdam ng lalaki na binabastos siya nito. He knows his limits. Kaya rin siguro hindi siya nahirapan na maging komportable sa lalaki.

"Basta, you're going to be my date on Saturday, baka mamaya maunahan pa ako. I won't take no for an answer." nakangiting pinisil ni Falcon ang pisngi niya, kinuha nito ang tasa ng kape nito saka lumabas sa pantry.

Wala sa loob na napangiti siya habang sapo ang pisnging pinisil ng binata. Nang ma-realise ang ginagawa, agad niyang ibinaba ang kamay at tinanggal ang ngiti sa labi.

"Nakakaloka ka naman bakla, sumweldo ka na lahat-lahat, hindi ka pa dumaan ng mall para bumili ng gown mo." sermon sa kanya ni Bernie habang naghahalungkat sila ng mga damit sa closet niya. Naghahanap kasi siya ng gown na pwedeng maisuot sa annual party ng Forsythe Company.

"Nawala nga sa isip ko, okay? Masyado kasi kaming maraming inasikaso sa office ngayong week."

"Bukas na lang ng umaga, daan tayo sa boutique ng auntie ko. Doon tayo maghanap ng maisusuot mo tutal bukas pa naman ng hapon yung party niyo."

"Sige, salamat talaga, Berns ha?"

Natigilan sila sa pag-uusap nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Nang buksan niya ang pinto, nakita niya si Midnight na may bitbit na malaking puting kahon.

"Ate, may nagpa-deliver nito. Para sa'yo." ani ng kapatid.

"Para sa akin?" kinuha niya ang kahon mula sa kapatid, pumasok ulit sila sa kwarto niya kasunod sina Bernie at Midnight. Inilapag niya ang kahon sa ibabaw ng kama niya. Nang buksan niya iyon, tumambad ang isang card sa ibabaw ng tila telang natatakpan ng kulay puting papel.

"Bippity boppity boo?" basa niya sa nakasulat sa card. Tinanggal niya mga nakaharang sa laman ng kahon, they saw a black plunging mermaid-style gown.

"O to the M to the G, bakla! That's Christian Dior gown!"

"Christian Dior?!"

"Oo! Hindi ako pwede magkamali! Alam mo bang nasa mahigit thirty thousand iyan?!"

Roopretelcham Where stories live. Discover now