05

19.1K 543 40
                                    

HINDI mapigilan ni Sunset na isipin ang dalawang apo ng boss niya habang naglalakad siya sa village nila pauwi. Nag-commute lang kasi siya pauwi dahil coding ang kotse niya.

Iniisip pa rin niya kung coincidence lang ba na kaboses ng mga apo ng boss niya ang mga naka-one-night stand niya. Huminga siya nang malalim, siguro nga coincidence lang. Marami namang tao sa mundo ang magkakapareho ng boses, diba? At isa pa, bakit ba iniisip pa niya iyon? Dapat mag-focus na lang siya sa bagong trabaho niya. That's right.

Natigil siya sa paglalakad nang may kumalabit sa kanya, nang lumingon siya, nakita niya ang isang matandang babae na pulubi. "Ineng, baka naman pwedeng makahingi ng kaunting barya, ipambibili ko lang sana ng makakain."

"Sandali ho," inakay niya ang matanda sa gilid ng kalsada, naupo sila sa gilid, binuksan niya ang bag niya at kinuha doon ang sandwich na ibinigay sa kanya ni Miss Linda kanina na hindi na niya nakain at bottled water. Ibinigay niya iyon sa matanda, "Kumain ho muna kayo," nakangiting saad niya sa matanda. Kumuha rin siya ng one hundred pesos sa wallet niya at iniabot din dito.

"Naku, hindi na ineng. Binigyan mo na nga ako ng pagkain at tubig eh. Ayos na sa akin ito, maraming salamat." tanggi ng matanda sa pera na iniaabot niya.

Kinuha naman niya ang isang kamay ng matanda at pilit inilagay doon ang pera, "Tanggapin niyo na ho. Para ho may pambili pa kayo ng pagkain mamaya."

"Nahihiya man ako, pero sige at tatanggapin ko na. Maraming salamat." sabi ng matanda. Inilapag nito ang sandwich at bottled water na ibinigay niya sa kandungan nito, "Pero bilang kapalit, gusto mo ba an hulaan kita?"

"Ho? Hula ho?"

Tumango ang matanda at kinuha nito ang isang kamay niya, saka nito tinignan ang palad niya. "Tatlo...isa...dalawa..." usal ng matanda, "Tatlo. Nagkaroon ka ng tatlong karelasyon sa mga nakalipas na taon, at hindi naging maganda ang naging relasyon mo sa mga lalaking iyon.."

Nagulat si Sunset sa sinabi ng matanda, manghuhula ba talaga ito? How did she know that?

"Isa. May nangyari sayo sa loob ng isang gabi na hanggang ngayon, hindi mo pa rin makalimutan. At dalawa, may dalawang lalaki ako na nakikitang dumating na sa buhay mo."

"D-dalawang lalaki ho?"

Tumango ang matanda, "Malaki ang magiging papel ng dalawang lalaking iyon sa buhay mo. Pagkalito, agam-agam at takot, ipagsawalang-bahala mo ang mga emosyon na iyon. Piliin mo ang bagay na gusto mo at doon ka magiging masaya."

"H-ho?" naguguluhang tanong niya. Ngumiti naman ang matanda, saka ito tumayo mula sa pagkakaupo nito.

"Sige at mauna na ako hija. Maraming salamat ulit sa mga ibinigay mo." umalis na ang matanda, naiwan siya doon na naguguluhan pa rin. Tumayo na rin siya mula sa kinuupuan nang maisipan na habulin ang matanda pero nagtaka siya nang hindi niya ito makita sa paligid. Bigla tuloy siyang kinilabutan.

Nagkibit-balikat na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad pauwi.

"Hoy bakla!" natigil sa paglalakad si Sunset nang marinig ang boses ni Bernie. Nakapameywang pa ang kaibigan niya habang nakatayo sa harap ng gate ng bahay nila, "Anyare sayo at tulaley ka? Ito na yung bahay niyo oh, lumagpas ka na."

Nang lumingon siya sa paligid, doon nga niya na-realise na lumagpas na nga siya sa bahay nila, pumihit siya at lumakad pabalik sa bahay nila. Nakasunod naman ang kaibigan niya sa kanya.

"Baks, nakikita mo rin ba minsan yung matandang babae na pulubi na umiikot dito sa village natin?"

"Matandang babae na pulubi? Alin? 'Yung puti na ang buhok at laging may dalang bayong?"

Roopretelcham Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon