14

18.5K 508 49
                                    

🔞

HALOS malaglag ang panga ni Sunset habang papasok ang sinasakyan nilang kotse sa isang malaking itim na gate. Automatic pa ata yun dahil wala naman siyang nakitang tao na nagbukas para sa kanila. Paano ba naman kasi, they're entering inside a villa. A freaking villa!

Mula sa malayo, tanaw na niya ang mansyon. May fountain pa sa tapat ng malaking bahay. Feeling niya tuloy nasa ibang bansa siya sa ambiance ng lugar.

Inihinto ni Leon ang kotse sa tapat ng bahay. May naghihintay doon na isang lalaki na mukhang nasa late-forties ang edad. Agad namang lumabas si Falcon para pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan.

"Is there something wrong, Sunny?" tanong sa kanya ni Falcon. Kinuha nito ang bag niya saka binitbit.

"N-nothing, hindi ko lang ine-expect na sa isang mansyon sa loob ng isang villa kayo nakatira."

Tumawa lang ang lalaki at hinalikan ang sentido niya. Then Falcon wrapped his arms on her waist. "By the way, I would like you to meet Robert, he's our butler here." pakilala nito sa lalaking sumalubong sa kanila. Kimi siyang ngumiti dito at inilahad ang kamay niya.

"Sunset Lane, Sir. Nice to meet you po." nakangiting tinanggap din ng lalaki ang kamay niya.

"Robert na lang, Miss Lane. And it's an honor to meet the woman who tame my young master's hearts."

Namula siya, mukhang alam din ng lalaki ang relasyon niya sa mga amo nito. Pero mukhang mali ang akala nito sa kung anong relasyon meron sila ng magkapatid na Forsythe. Nahihiyang ngumiti na lang siya dito. Iniabot naman ni Leon ang susi ng kotse kay Robert.

"Paki-drive na lang itong sasakyan papunta sa garage, Robert."

"Yes, Sir." tumango sa kanila si Robert bago ito sumakay sa driver seat ng kotse. Niyakag naman siya ng dalawa papasok ng mansyon. Mas lalo siyang namangha nang makapasok sila sa loob. Sobrang ganda at elegante ng interior. May mga antique furnitures at paintings sa paligid, may chandelier pa na naka-hang sa kisame. Everything she seeing screams expensiveness.

"Welcome to our ancestral house, Sweetheart." si Falcon.

"Do you want to eat breakfast first, Sunset?" tanong naman ni Leon. Mabilis siyang umiling.

"No, gusto ko muna mag-work out."

"Then let's go upstairs, para rin makapagsimula na tayo." ani ni Leon. Sabay silang tatlo umakyat ng hagdan. Lumiko sila sa east wing ng bahay, naglakad sila sa pasilyo hanggang sa binuksan ni Leon ang isang tinted glass door.

"Don't tell me this is your mini-gym?" tanong niya habang inililibot ang tingin sa buong silid. Mini ba ang tawag don?! Eh halos parang mas malaki at malawak pa iyon sa kesa sa mga ordinaryong public gym na nakikita niya. Kompleto rin sa equipments at may boxing ring pa. May ref din sa gilid na naglalaman ng iba't-ibang drinks. Sosyal.

"Yes. Kakapagawa pa lang namin nito simula 'noong bumalik kami dito sa Pilipinas. How is it?" si Leon.

"It's...cool." wala siyang masabi.

"Shall we start, Sunny?" tanong ni Falcon. Inilapag nito ang bag niya sa bench na nasa tabi. Tumango siya. Nag-warm up slash stretching muna sila. They're both guiding her. Nang magsimula sila mag-work out, parang nag transform ang dalawa as her personal gym trainor. Ayos lang naman sa kanya dahil nag-enjoy din siya.

"Do you want to take a shower with me, sweetheart?" pilyong tanong sa kanya ni Falcon habang nagpapahinga sila sa bench. Binato niya ito ng bimpo sa mukha na tinawanan lang nito.

"Asa ka."

"Here, honey." inabot niya ang tubig na ibinigay ni Leon. Naupo rin sa tabi niya ang lalaki. Binuksan niya ang takip ng bottled water at uminom ng tubig, muntik pa siyang masamid nang diretsong hinubad ni Falcon ang basang T-shirt nito. She saw his chiseled body, especially his sweaty abs—errr stomach. Biglang nanuyo ang lalamunan niya nang makita ang butil ng pawis na dumaloy pababa sa sikmura ng lalaki, she suddenly felt a tingling sensation between her legs.

Roopretelcham Where stories live. Discover now