03

20.7K 561 65
                                    

NAMASYAL sina Sunset sa Baguio kasama ang bunsong kapatid na si Midnight at best friend na si Bernie. Hindi naman sila nahirapang magbiyahe dahil sasakyan niya ang gamit nila. Actually, it's Bernie's idea. Celebration daw iyon ng pagre-resign nila sa bangko na dating pinagta-trabaho-an. Sumabay pa talagang magpasa sa kanya ng resignation letter ang kaibigan.

"Swerte natin bes, kakaunti lang ang tao," saad ni Bernie habang naglalakad sila sa Mines View Park, "Uy! May wishing well, oh!" parang bata na itinuro ng kaibigan ang balon na nasa gilid ng batuhan.

Naglabas ng barya si Bernie mula sa bulsa nito. Matapos ihagis ang barya sa balon, pinagsalikop nito ang mga kamay saka pumikit. Pinanood lang ni Sunset si Bernie matapos sulyapan si Midnight sa hindi kalayuan na abala sa pagkuha ng pictures sa paligid.

"Ikaw rin Sunset, mag-wish ka." saad ni Bernie sa kanya nang makadilat na ito.

"Ayoko nga, hindi naman totoo 'yang wish-wish na 'yan." Naniniwala kasi siya na kung gusto mong matupad ang isang bagay, unang-una, ipag-pray mo kay Lord, and then pagsumikapan mo para matupad iyon.

"KJ mo gaga ka. Bilis na try mo lang, alam mo ba na maraming nagsasabi na marami nang wish ang natupad sa balon na 'yan? at isa lang naman ako sa mga buhay na saksi."

"At paano mo naman nasabi, aber?" tinaasan niya ito ng kilay habang nakapameywang.

"Naalala mo noong bago tayo kumuha ng board exam? Diba chinika ko sayo na umakyat kami nung ex ko dito sa Baguio? Nag-wish din ako dyan na makapasa ako and then poof! I'm a certified public accountant now."

She scoffed, "Paanong hindi ka makakapasa eh matalino ka naman talaga? At isa pa, about dyan sa wish mo sa balon, nagkataon lang 'yun." pagkontra niya pa dito.

"Eh paano naman yung tita ko na akala namin hindi na magkakaanak ng asawa niyang foreigner? Nag-wish din iyon dyan sa balon na sana magkaanak sila ng asawa niya, oh, diba after a few months nalaman natin na buntis siya?"

"Berns, nasa late thirties na kasi ang tita Mercy mo, malamang mahihirapan na talaga siya magkaanak, but it doesn't mean na hindi na talaga siya mabubuntis."

Bernie exaggeratedly sighed. Natawa na lang siya nang irapan pa siya nito. "Nakakaimbyerna ka naman bes, nauubusan na ako ng pasensya sayo, lahat na lang may say ka, kaloka," humalukipkip pa ito at mataman siyang tinignan, "Alam ko na! How about magkaroon tayo ng bet?"

"Bet?"

"Oo, heto ah. Magwi-wish ka dyan sa wishing well, kahit anong wish except doon sa mga bagay na impossible talaga mangyari. Kapag nagkatotoo yung wish mo in span of three months, sagot mo ang bill ko sa internet for also three months."

"At kapag hindi nagkatotoo?"

"Edi sagot ko ang pang-gasoline mo for one month." bahagya niyang hinampas sa braso si Bernie.

"Bakla ka, parang ako pa ata ang lugi doon ah? Three months ko babayaran yung bill mo sa internet kapag nanalo ka samantalang one month mo lang sasagutin yung pang-gasoline ko kapag nanalo ako?"

"Gaga! Mas mahal na ang gasoline ngayon 'noh! Ako pa nga itong mas lugi kesa sayo, ano deal?" nahimigan niya ang panghahamon sa boses nito sabay lahad sa kanya ang isang barya.

She smirked, kinuha niya ang barya mula kay Bernie. Nag-isip siya ng isang bagay na sa tingin niya ay imposible talagang mangyayari. Nang makaisip na siya, inihagis niya sa balon ang coin. She closed her eyes and mentally said her wish.

"Anong winish mo?" tanong ni Bernie sa kanya.

"I wished na sana makita ko ulit yung dalawang lalaking naka-one night stand ko." nakangising bulong niya sa kaibigan.

Roopretelcham Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon