25

13.6K 413 14
                                    

A FEW weeks had passed. Mas lalo lang nadaragdagan ang takot at pangamba ni Sunset sa bawat araw na lumilipas, lalo na at malapit na ang araw ng appointment nina Leon at Falcon sa doktor para sa vasectomy consultation ng mga ito. They even cleared their schedules for that day, ang mas masakit pa, hindi nito sinabi sa kanya kung bakit. They keep leaving her from the dark.

"Gaga ka, ano pa bang hinihintay mo at ayaw mo pa sila komprontahin tungkol doon sa nalaman mo?!" Bernie beamed to her. Nandoon sila sa garden ng bahay nila at kasalukuyang kumakain ng dessert, kakatapos lang kasi nila maghapunan.

"H-hindi ko alam kung paano, okay? Natatakot ako."

Patamad at nakahalukipkip na sumandal si Bernie sa backrest ng inuupuan nito, "Eh, paano 'yan. Bukas na kamo yung schedule nila para sa vasectomy consultation?"

"I actually don't know what to do. Pero naisip ko...paano kaya kung sundan ko na lang sila bukas tapos doon ko na sila iko-confront?"

"Alam mo kung ano ang tamang gawin Sunny? Kausapin mo sila nang maayos. Ikakasal na kayo, hindi maganda kung naglilihiman pa rin kayo hanggang ngayon."

"You can't blame me, okay? Natatakot lang ako na marinig mismo sa kanila na tama nga yung hinala ko." Galing na siya sa tatlong failed relationships, masama ba kung inihahanda niya muna yung sarili niya na masaktan?

"Walang mangyayari kung palagi kang matatakot. Be brave and face your fears."

Natahimik siya. Natigilan. Malalim siyang napabuntong-hininga.

Sumimsim si Bernie ng juice bago ito tumayo, "Kung kailangan mo ng chaperone bukas, just call me okay?" tinapik siya nito sa balikat. Tumango na lang siya.

Inihatid ni Sunset sa labas ng gate nila si Bernie, matapos makaalis ng kaibigan, isinara niya ang gate ng bahay nila. Dumiretso ulit siya sa garden para ligpitin ang mga pinagkainan nila ni Bernie.

Abala siya sa paglalagay ng mga platito at baso sa tray nang biglang may brasong pumulupot sa bewang niya at kamay na nagtakip sa bibig niya. That prevent her from screaming.

"Shh, Sunset. Keep calm, hindi kita sasaktan." bulong ng lalaki sa kanya. Ubod lakas niyang tinulak ito palayo.

"Jigs? W-what the hell are you doing here? Paano ka nakapasok? Saan ka dumaan?" sunod-sunod na tanong niya sa lalaki.

Luminga-linga ito sa paligid bago ibinalik ang tingin sa kanya, "Pumuslit lang ako, okay? I'm sorry, I'm just desperately want to talk with you. Hindi ako makalapit sa'yo dahil may mga bantay ka."

"What? Bantay?"

Jiggy nodded, "Hindi mo lang siguro sila napapansin pero may mga bodyguards ka, at pinipigilan nila ako para makalapit sa'yo."

"Ano bang pinagsasabi mo, Jigs?"

"Naalala mo ba noong nilapitan kita dati malapit sa building ng Forsythe? 'Yung...yung na-harass kita?" Alanganin si Sunset na tumango sa lalaki. Marahas naman itong napalunok. "Pagkatapos ng encounter natin doon, alam mo ba natanggal ako sa trabaho? Sinubukan ko mag-apply sa ibang bangko o company pero hindi nila ako tinatanggap. Nalaman ko na lang na...pina blacklist ako ni Falcon Forsythe."

"A-ano?!" hindi makapaniwalang saad niya.

"Sigurado ako. Siguro..siguro deserved ko rin iyon dahil sa mga naging trato ko sa'yo, also for being a jerk. And I want to say sorry, Sunset. Gusto kong malaman mo na nagsisisi ako sa mga pananakit at ginawa kong panloloko sa'yo."

Sinalubong ng tingin ni Sunset si Jiggy. Kahit mapusyaw ang ilaw na mula sa poste na nasa garden, kita pa rin niya ang sincerity sa mga mata ng binata. She heaved a deep sigh.

Roopretelcham Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang