06

18.6K 522 31
                                    

SUNSET cleared the lump on her throat, "Kasi Sir, ganoon naman talaga yung tingin ng ibang tao sa mga katulad ko." ayaw naman niyang sabihin sa lalaki ang pinagdaanan at naranasan niya sa mga past relationships niya. Hindi naman sila close ni Falcon at isa pa, boss niya ito.

"Now I'm curious, I'm wondering what's the reason behind your stripped-off self-confidence." seryosong saad pa ng lalaki.

Hindi na siya nakasagot, pilit na lang siyang ngumiti dito saka nagpatuloy siya sa pagkain.

Halos pasado alas-dos na rin ng hapon sila natapos ni Falcon sa pag-aayos ng opisina. Hiningan na rin kasi siya ng payo ng lalaki tungkol sa iba pang interior decorations sa office nito.

"We both did great, Miss Lane. Ayos na ang office ko, mukha nang hindi bagong renovate," ani Falcon habang sinusuyod nito ng tingin ang kabuuan ng opisina nito, "But I think something was missing, I can't figure out what is it."

Sunset cleared her throat, "What if Sir maglagay din kayo ng halaman, I mean, kahit simpleng flower vase. Para naman ho medyo umaliwalas pa itong office niyo-" mabilis siyang sumulyap sa lalaki, "S-suggestion ko lang naman Sir, pero kung ayaw niyo-"

"That's actually a great idea, Miss Lane. I like it, thank you."

Nag-iwas siya ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi at kahit hindi siya tumingin sa salamin, alam niyang namumula na siya. Geez. Simpleng 'thank you' lang iyon, bakit ba namumula ang mukha niya?

Ipinilig niya ang ulo para iwaksi ang naisip.

Nagpa-order agad-agad ang lalaki ng flower vase sa kanya, siya na rin ang pinapili nito ng bulaklak na ilalagay. Pagkatapos 'non, pinayagan na siya ni Falcon umalis sa opisina nito. Bumalik siya sa table nila ni Miss Linda at tinulungan sa trabaho ang babae.

"Sunset, sure ka ba na magko-commute ka na lang? Ihahatid na lang kita." alok sa kanya ni Miss Linda nang pauwi na sila.

"Naku hindi na po ma'am, at isa pa, maa-out-of-way pa po kayo kapag isasabay niyo pa ako."

"Sigurado ka? Medyo mahirap pa naman mag-commute ngayon dahil maulan."

Sa totoo lang, tama ang ginang. Mahirap nga mag-commute kapag gaanong maulan ang panahon. Palaging punuan ang mga sasakyan. Kaya nga kailangan na niyang mapaayos ang kotse niya o kaya naman, kapag naka-luwag-luwag na siya, baka bumili na rin siya ng panibago. Kahit yung second hand na lang muna ulit.

Nakaupo sa waiting shed si Sunset nang may humintong kotse sa harap niya. Ah no, it's not a simple car, it's a sports car! Nang bumaba ang tinted na bintana ng sasakyan, tumambad sa kanya ang nakangiting si Falcon.

"Hop in, Miss Lane. Ihahatid na kita pauwi sa inyo."

"Hindi na po Sir, magko-commute na lang ako." tanggi niya. Nakakahiya naman kasi kung ihahatid pa siya ng isa sa mga boss niya pauwi.

"No. C'mon sumakay ka, umaambon na 'oh." mabilis pa sumulyap itong sumulyap sa makulimlim na kalangitan.

"Hindi na po talaga, Sir. Salamat na lang po."

"Fine." nakahalukipkip na pumikit si Falcon, bahagya pa nitong in-adjust pahiga ang upuan nito, "Hindi na lang ako aalis dito hanggang hindi ka sumasakay sa kotse ko."

Sunset gritted her teeth. Hindi niya alam na may kakulitan pala ang isa sa mga boss niya. Hindi pa rin niya sana papansinin si Falcon nang mag-umpisang businahan ng ibang sasakyan ang kotse ng lalaki. Mukhang wala namang pakialam doon si Falcon, pinatugtog pa ng lalaki ang stereo sa kotse nito.

"Hoy! Ano ba'yan?! Putsa, nakaharang pa sa daan!" sigaw ng isang jeepney driver na gigilid sana sa tapat ng waiting shed para magbaba ng pasahero.

Dahil doon, napilitan na si Sunset na sumakay sa kotse ni Falcon. Sobrang laki pa ng ngiti ng lalaki habang pinapanood siya nito magkabit ng seatbelt.

Roopretelcham Where stories live. Discover now